Para palitan ang pangalan ng WiFi network mo o ang password ng WiFi mo mula sa Starlink App:
Para sa seguridad, pagkatapos itakda ang password mo, hindi na ito ipapakita ulit. Kung nakalimutan mo ang WiFi password mo, i-factory reset ang Starlink router mo para magtalaga ng bagong pangalan at password ng WiFi network.
Mahalagang Tandaan:
Tinatawag ding SSID ang pangalan ng isang WiFi network. Puwedeng tawaging network security key, WPA key, o WPA/WPA2 passphrase ang WiFi password.
Ibigay lang ang password ng WiFi sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Kailangang may 4 hanggang 32 character, number, o space ang pangalan ng WiFi network. Kailangang may 8 hanggang 32 character, number, space, o symbol ang WiFi password.
Opsyonal ang paggawa ng pangalan at password ng WiFi, gayunpaman, inirerekomenda namin ang pag-secure ng WiFi network mo. Hindi protektado ng password ang WiFi network ng Starlink mo hanggang sa maglagay ka ng password.
Sa Brazil Lang: Para sumunod sa batas sa Brazil, may kamakailang pagbabagong ginawa sa kung ano ang kinakailangan sa pag-set up ng WIFI password mo. Nasa ibaba ang mga kinakailangan:
Mga Inirerekomendang Paksa:
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.