Para isauli ang Starlink mo (hindi nabuksan o hindi ginamit na kit):
- Mag-log in sa Starlink Account mo rito
- Pindutin ang tab na "Mga Subscription" at pagkatapos ay piliin ang linya ng serbisyo na gusto mong isauli
- I-click ang "Pamahalaan" sa kahon ng Service Plan
- Para isauli ang kit mo, kailangan mong kanselahin ang subscription mo
- Lagyan ng tsek ang kahon na may label na "Gusto kong isauli ang hardware ko" para isauli ang Starlink mo (kung hindi mo nakikita ang opsyong ito, hindi kuwalipikadong isauli ang Starlink mo)
- Kumpirmahin ang pinili mo
- Makakatanggap ka ng pre-paid return label sa email, tingnan ang spam folder mo, at hanapin ang email subject na "Isauli ang Starlink Mo". Puwede mo ring i-download ulit ang return label mo sa desktop (hindi available sa app) sa page mo na Buod ng Order sa pamamagitan ng pag-click sa tatlong tuldok sa kanang bahagi sa tabi ng "Sinimulan ang Pagsasauli".
Patakaran sa Pagsasauli: Kung nagkansela ka sa loob ng 30 araw na palugit para sa pagsasauli, magiging kuwalipikado ka sa buong refund. Para sa karagdagang detalye tungkol sa patakaran sa pagsasauli ng Starlink, tingnan ang aming Mga Tuntunin ng Serbisyo.
*Kung binili mo ang Starlink mo sa isang awtorisadong retailer o reseller, direktang makipag-ugnayan sa kanila para isauli ang Starlink mo.
- Simula October 2025, kung nakatanggap ka ng Starlink Standard Kit na ibinigay bilang walang bayad na rental, kailangan mong isauli ang kit mo na nasa magandang kondisyon sa loob ng 30 araw pagkatapos kanselahin ang service plan mo. Inaasahan ang normal na pagkaluma at pagkasira. Kapag hindi mo isinauli ang kit nang nasa maayos na kondisyon, sisingilin sa ka ng buong presyo ng kit.
- Simula October 2025, kung nakatanggap ka ng Starlink Mini Kit na ibinigay bilang walang bayad na rental na naka-bundle sa active mong Residential subscription, kailangan mong isauli ang kit mo na nasa magandang kondisyon sa loob ng 30 araw pagkatapos kanselahin ang alinman sa mga service plan mo. Inaasahan ang normal na pagkaluma at pagkasira. Kapag hindi mo isinauli ang kit nang nasa maayos na kondisyon, sisingilin sa ka ng buong presyo ng kit.
- Kung nagrenta ka ng Starlink Kit, kailangan mong isauli ang equipment mo sa maayos na kondisyon sa loob ng 30 araw matapos kanselahin ang serbisyo. Kapag hindi mo isinauli ang kit nang nasa maayos na kondisyon, sisingilin ka ng buong presyo ng kit gaya ng isinaad sa page para sa online na pag-order.
- Mag-iisyu ang Starlink ng return shipping label sa iyo sa oras ng pagkansela para gamitin sa pagsasauli ng kit (sundin ang mga instruction sa Patakaran sa Pagsasauli ng mga Starlink para sa pagsasauli ng mga nirentahang Kit sa Starlink Customer Portal).
Paghahanda ng isasauli mo:
- I-stow ang Starlink mo
- Ibalik sa kahon ang hardware
- Kung nagsasauli ka ng kit bilang bahagi ng kapalit, pero wala na ang orihinal na kahon nito, puwede mong hintaying dumating ang kapalit na kit mo para gamitin sa pagsasauli ang bagong kahon. (Kung napagdesisyunan mong gamitin ang bagong kahon para sa pagbabalik ng iyong pinalitang Starlink hardware, pakitiyak na alisin o takpan ang serial number. Kapag hindi mo ito nagawa, puwede itong magresulta sa mga isyu sa pagsasauli mo.) Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagsasauli ng kapalit ng Starlink, [i-click ito] (https://support.starlink.com/?topic=5cdc5c31-3af4-d9eb-d0c3-7fc8e85389f5).
- Kung hindi mai-stow ang Starlink mo, o hindi kakasya sa orihinal na kahon, puwede kang gumamit ng mas malaking kahon para isauli ang Starlink mo.
- Mahalaga: Starlink equipment mo lang ang isauli. Huwag isama ang anupamang item.
- I-print at ilagay ang mga return label sa labas ng kahon
- I-drop ito sa carrier na nakalista sa return label mo
- Makakatanggap ka ng refund para sa hardware mo at sa halaga ng subscription sa unang buwan (hindi kasama ang shipping) sa loob ng 10–15 business day
Makakuha ng mga email update ng Starlink dito.
Mga Inirerekomendang Paksa: