Idinisenyo ang mga Roam service plan para sa mobile at portable na paggamit, gaya ng camping o pagbibiyahe. Dalawang service plan ang available:
- Roam 50GB, na may kasamang 50 GB data na may opsyon na bumili ng karagdagang data batay sa GB.
- Roam Unlimited, na walang data cap.
** Kasama sa parehong Roam plan:**
- Available ang coverage sa buong bansa, kabilang ang mga bahagi ng kontinente na daanan ng tubig at marina, sa bansa ng account mo.
- Pinapayagan ang paggamit habang bumibiyahe, anuman ang hardware.
- Kapag na-activate na, puwede mong palitan ang mga service plan kahit kailan at kahit ilang beses mo gusto gamit ang Starlink account portal mo. Magkakabisa kaagad ang mga pagbabago o sa susunod mong billing cycle, depende sa plan mo.
- May kakayahan kang i-pause at i-unpause ang serbisyo kahit kailan, na may billing buwan-buwan.
- Pinapayagan sa ibang bansa sa mga available na market nang hanggang 2 buwan kada biyahe.
*Mahalagang paalala:
- Puwedeng i-enable ng mga Roam Unlimited user ang Ocean Mode* para sa coverage na lampas sa 12 nautical miles o para kumonekta sa teritoryal na katubigan nang mas matagal kaysa sa 5 magkakasunod na araw/60 araw kada taon. Nagbibigay rin ang Ocean Mode ng mas mataas na network priority kaysa sa Roam data kahit saan na available ang Starlink.
- Para sa Roam 50GB plan, tandaan na tinatayang katumbas ng 20 oras na high-definition video streaming o 50 oras na video call ang 50GB.
- Kung lumampas ka sa inilaang data sa Roam 50GB plan at hindi ka nag-opt in para sa karagdagang data, hindi mo magagamit ang internet maliban sa pag-access sa Starlink account mo, kung saan puwede kang magdagdag ng data o magpalit ng mga plan.
- Hindi sinusuportahan ng Roam ang paggamit sa karagatan maliban na lang kung nag-opt in ka para sa Ocean Mode na available sa pamamagitan ng account portal.
- Available lang ang Roam 50GB sa mga piling market. Kung hindi inaalok ang Roam 50GB sa bansa mo, makipag-ugnayan sa amin.
*Para sa mga customer sa Indonesia, Japan, Jordan, at Mexico, ipinagbabawal ang paggamit ng Starlink habang bumibiyahe dahil sa mga lokal na regulasyon.
- Idinisenyo ang Roam para sa portable at hindi komersyal na paggamit. Posibleng limitahan ang serbisyo kapag ginamit ang Starlink sa mga hindi awtorisadong rehiyon o nang mahigit dalawang buwan sa ibang bansa. Tingnan ang Mga Tuntunin ng Serbisyo para sa iba pang impormasyon.
Dating tinatawag ang Ocean Mode na Global Priority Data.
Tingnan sa lugar mo kung may Starlink Roam: Umorder Na
Makakuha ng mga email update ng Starlink dito.
Mga Inirerekomendang Paksa:
Paano ko papalitan ang service plan ko?
Puwede ko bang gamitin ang Starlink "habang bumibiyahe"?
Hindi ko mahanap ang service plan ko?