Direktang mabibili ang karamihan sa hardware ng Starlink sa Starlink Shop. Pero, mao-order lang ang ilang mga item tulad ng mga Power Supply AC Cable at Router AC Cable sa Customer Support ng Starlink.
Karagdagang Paalala:
- Tiyaking ang naaangkop na hardware ang napili bago mag-order.
- Hindi ibinebenta nang hiwalay ang ilang piyesa, gaya ng Gen 3 PoE Injector.
- Mabibili ang Gen 2 Mesh Router sa Starlink Shop para palitan ang Gen 2 main router, depende sa availability ng inventory.
- Para sa mga accessory sa pag-install tulad ng mga grommet at bolt, inirerekomenda naming bisitahin ang lokal na hardware store mo kung kailangan ng karagdagang parte.