Para i-stow ang Starlink Standard (Circular), Starlink Standard Actuated, o Starlink Performance (Gen 1 para isauli o i-store, buksan ang Starlink app at mag-navigate sa Mga Setting > Starlink, pagkatapos ay i-drag ang slider papunta sa "I-stow ang Starlink".
Kung hindi nakakonekta ang Starlink mo sa App, puwede mong manual na i-stow ang Starlink mo:
- Siguraduhing naka-plug ang Starlink mo.
- Alisin ang Starlink sa base.
- Ilagay ang Starlink na nakataob sa isang patag na surface tulad ng mesa. Pagkatapos ng mga isang minuto, awtomatikong magti-tilt ang Starlink mast sa naka-stow na posisyon.
- Kapag naka-stow na ang Starlink, i-unplug ang device para manatili ito sa naka-stow na posisyon.
Tandaan:
- Para i-store ang Starlink Standard o Starlink Mini mo, tiklupin ang kickstand sa ilalim ng Starlink.
- Hindi nangangailangan ng pag-stow ang Starlink Performance at Starlink Performance (Gen 2).
- Kung sino-stow mo ang Starlink mo para isauli at hindi ito nag-stow, puwede kang gumamit ng mas malaking kahon para isauli ang Starlink mo.
[Makakuha ng mga email update ng Starlink dito.