Puwede mong tingnan ang kumpleto mong invoice at history ng pagbabayad sa billing tab ng Starlink account mo. Para sa mga customer na may maraming account sa Starlink, suriin ang lahat ng iba pang account mo para subukang itugma ang halagang sinisingil.
Kapag sinusuri ang isang singil, siguraduhing i-download at i-review ang mga kamakailang invoice sa table ng "Mga Invoice." Puwede kang mag-download ng invoice sa pamamagitan ng pag-click sa download arroe sa kanang bahagi ng table.
Makikita sa mga invoice ang mahahalagang impormasyon kasama ang petsa ng invoice, due date ng pagbabayad, service period, halaga at dami ng bawat subscription/item pati na rin ang anumang naaangkop na buwis. Makikita rin sa mga invoice ang kabuuang halagang binayaran, kabuuang halaga ng in-apply na credit, at kabuuang halagang natitira.
Kung hindi mo nakikilala ang transaksyon sa alinman sa mga account mo, tingnan kung mailalapat ang alinman sa mga sumusunod na sitwasyon bago makipag-ugnayan sa Customer Support ng Starlink para sa karagdagang pag-iimbestiga:
Kung natukoy mo ang pinagmulan ng transaksyon pero hindi pa rin nasagot ang tanong mo, pumunta sa article na "Nagbago o mali ang buwanang singil sa serbisyo sa akin.".
Kung hindi mo pa ring matukoy ang pinagmulan ng transaksyon mo pagkatapos tingnan ang lahat ng Starlink account mo, makipa-ugnayan sa Customer Support ng Starlink at ibigay ang anumang detalye na makakatulong para mapabilis ang imbestigasyon.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.