Kung nakakaranas ka ng mga error sa pag-update ng paraan ng pagbabayad mo, mangyaring:
- I-double check kung tama ang inilagay na impormasyon sa pagbabayad.
- Kung kailangan ng Tax ID (naaangkop lang sa ilang bansa), siguraduhing ginagamit mo ang tamang Tax ID. I-double check ang bilang ng mga digit at kung gumagamit ka ng tamang business o personal ID.
- 4.Kumpirmahin sa iyong institusyong pampinansyal na hindi aktibong bina-block ang paraan ng pagbabayad.
- Kumpirmahin na sinusuportahan ang paraan mo ng pagbabayad mo.
- Subukang maglagay ng alternatibong paraan ng pagbabayad.
Kung makakaranas ka pa rin ng mga error, inirerekomenda namin ang paggamit ng Desktop/Laptop at huwag subukang gumamit ng telepono. Puwede ring makatulong ang mga sumusunod na hakbang:
- I-clear ang cache ng browser mo at subukang i-update ulit ang pagbabayad.
- Magbukas ng incognito/pribadong browser, mag-log in sa account mo mula roon at subukang i-update ang pagbabayad sa ganitong paraan.
Kung hindi nalutas ng ibinigay na impormasyon ang isyu mo at patuloy na hindi maproseso ang pagbabayad, i-click ang "Makipag-ugnayan sa Support" para magsumite ng support ticket.
Mga Kaugnay na Paksa:
Paano ko papalitan ang billing ko o paraan ko ng pagbabayad?