Nasa ibaba ang listahan ng mga alerto mula sa Starlink device mo na posibleng makita sa Starlink app mo, kasama ang mga iminumungkahing aksyon para posibleng lutasin ang isyu. Nati-trigger ang mga alertong ito kapag nagkaroon ng partikular na kondisyon nang kahit isang beses sa loob ng 15 segundong window at magpapatuloy habang nananatiling active ang mga ito.
I-ACTIVATE NA ANG STARLINK
Kahulugan: Naka-online ang Starlink mo sa "free data" grace period nito. Mapuputol ang serbisyo nito kapag hindi na-activate ang terminal sa loob ng itinalagang timeframe.
Iminumungkahing Aksyon: Hanggang 60 minuto ng libreng data. I-activate na ang Starlink mo para ipagpatuloy ang serbisyo.
NAABOT NA ANG LIMITASYON SA PAGGAMIT NG DATA
Kahulugan: Kasalukuyang naka-disable ang serbisyo ng Starlink sa iyo dahil naabot na nito ang limitasyon ng data
Iminumungkahing Aksyon: I-tap ang alerto para i-configure ang Starlink WiFi at ibalik ang access sa internet.
PAGTUKOY NG LOKASYON
Kahulugan: Naghahanap ng GPS signal ang Starlink mo. Puwede itong tumagal nang 15 minuto.
Iminumungkahing Aksyon: Huwag i-unplug ang Starlink mo habang isinasagawa ito. Tandaan, posibleng makaapekto sa performance ng GPS ang mga third-party metal mount na nakabalot sa paligid ng base enclosure ng terminal, o ang direktang paglalagay ng terminal sa metal, at hindi sinusuportahan. Para sa karagdagang gabay sa iba't ibang opsyon sa pag-mount, i-click ito.
KAILANGAN NG MANUAL UPDATE
Kahulugan: Kailangan ng Starlink mo ng manual update para makapag-online ulit.
Iminumungkahing Aksyon: Magsagawa ng manual update ng software ng Starlink mo para makakonekta sa internet.
WALANG ACTIVE NA SUBSCRIPTION
Kahulugan: Hindi nauugnay ang Starlink mo sa isang active na account.
Iminumungkahing Aksyon: Paki-activate o i-resume ang serbisyo sa iyo ng Starlink.
NAG-OPT IN SA PRIORITY DATA
Kahulugan: Nag-opt in ka na makatanggap ng overage data para sa Starlink mo.
Iminumungkahing Aksyon: I-tap ang alerto para tingnan at pamahalaan ang paggamit ng data.
MAHINA ANG CABLE CONNECTION
Kahulugan Ipinapahiwatig ng Negotiated Ethernet speed sa pagitan ng Starlink dish at Router na mahina ang cable connection. Posibleng may sira ang cable.
Iminumungkahing Aksyon: Subukang i-unplug ang i-plug ulit ang mga cable sa Starlink mo at sa Router, at siguraduhing hindi basa at walang debris sa mga connector. Kung patuloy na nagpapakita ang alerto pagkatapos gawin ang mga hakbang na ito, i-tap ang alerto at sundin ang mga tagubilin.
MAHINANG WIFI SIGNAL
Kahulugan: Mahina ang WiFi signal ng device. Posibeng maapektuhan ang performance ng internet.
Iminumungkahing Aksyon: Lumapit sa router mo para magkaroon ng mas magandang koneksyon.
MGA KAMAKAILANG PAGKAANTALA
Kahulugan: Naka-online ang Starlink at maganda ang performance sa nakalipas na minuto. Pero mukhang nakaranas ang Starlink mo ng malaking packet loss sa nakalipas na 15 minuto.
Iminumungkahing Aksyon: Hindi kailangang aksyunan kaagad. Posibleng dulot ng matinding lagay ng panahon, pansamantalang isyu sa network, o mga nakaharang ang isyung ito.
NAG-EXPIRE NA ANG ROAMING PERIOD
Kahulugan: Masyado nang matagal na nasa labas ng bansa kung saan ito nakarehistro ang Starlink mo.
Iminumungkahing Aksyon: Bumalik sa bansa kung nasaan ang nakarehistro mong address sa account mo o i-update ang nakarehistro mong address sa bago mong lokasyon.
MAY OUTAGE SA SERBISYO
Kahulugan: Nakararanas ng outage ang mga serbisyo ng Starlink o ang Starlink.com.
Iminumungkahing Aksyon: Kasalukuyang nakararanas ng outage sa serbisyo ang inyong lugar. Sinisikap naming malutas agad ito.
OUTDATED NA ANG SOFTWARE
Kahulugan: Napakaluma na ng software ng Starlink mo at hindi na makakonekta sa mga satellite.
Iminumungkahing Aksyon: Makipag-ugnayan sa Starlink support para sa mga opsyon sa kapalit.
NAKA-DISABLE ANG STARLINK HABANG BUMIBIYAHE
Kahulugan: Masyadong mabilis na bumibiyahe ang Starlink mo batay sa stationary policy nito. Pinapayagan lang ng service plan mo ang serbisyo habang nakatigil ang Starlink.
Iminumungkahing Aksyon: Sinusuportahan lang ang paggamit habang bumibiyahe sa mga user na may Starlink Roam service/Mobile service.
HINDI NAKAKONEKTA ANG STARLINK
**Kahulugan:**Naka-unplug o nagre-reboot ang Starlink mo.
Iminumungkahing Aksyon: Siguraduhing ganap na naka-plug in ang Starlink mo.
MASYADONG MABILIS NA BUMIBIYAHE ANG STARLINK
Kahulugan: May natukoy ang Starlink na high-speed na pagbiyahe na kasalukuyang hindi sinusuportahan ng service plan mo.
Iminumungkahing Aksyon: Bagalan para ipagpatuloy ang serbisyo.
MAY NAKAHARANG SA STARLINK
Kahulugan: Bahagyang nahaharangan ang Starlink mo. Posible itong magdulot ng mga outage na pinakamapapansin sa mga video call at online gaming.
Iminumungkahing Aksyon: Para sa pinakamagandang performance, siguraduhing may ganap na hindi nahaharangang view ng kalangitan ang Starlink mo.
NAG-OVERHEAT ANG STARLINK
Kahulugan: Nag-shut down ang Starlink mo dahil sa mataas na temperatura.
Iminumungkahing Aksyon: Hayaang lumamig ang Starlink mo. Kokonekta ulit ang Starlink mo pagkatapos nitong magpalamig.
MAY ISYU SA HARDWARE NG STARLINK ROUTER
Kahulugan: Mukhang may isyu sa mga Ethernet port sa Starlink Router mo.
Iminumungkahing Aksyon: Makipag-ugnayan sa Starlink support para sa mga opsyon sa kapalit.
HINDI INAASAHANG LOKASYON
Kahulugan: Wala sa tamang inaasahang lokasyon ang Starlink mo.
Iminumungkahing Aksyon: Siguraduhing nasa tamang lokasyon ang Starlink mo batay sa service address at service plan nito.
KINAKAILANGANG UPDATE
Kahulugan: Outdated na ang software ng Starlink mo.
Iminumungkahing Aksyon: Ida-download ng Starlink mo ang pinakabagong software sa loob ng susunod na 24 na oras. Kung natapos ang pag-download bago sumapit ang 3am, awtomatikong magre-reboot ang Starlink mo para i-apply ang update na ito. Puwede ka ring mag-update kaagad mula sa app kapag natapos na ang pag-download. Para matiyak na mada-download ng Starlink mo ang pinakabagong software, panatilihin itong nakakonekta nang may hindi nahaharangang view ng kalangitan.
KAILANGANG I-CONFIGURE ANG WIFI
Kahulugan: Kailangan ng Router mo na i-setup ang WiFi bago ma-access ang internet.
Iminumungkahing Aksyon: I-tap ang alerto para i-configure ang Starlink WiFi at ibalik ang access sa internet.
HINDI SINUSUPORTAHANG SOFTWARE VERSION
Kahulugan: Kailangang i-update ang Starlink mo para i-restore ang connectivity.
Iminumungkahing Aksyon: Tiyaking may hindi nahaharangang view ng kalangitan ang Starlink mo para makatanggap ng over-the-air na update. Ida-download ng Starlink mo ang pinakabagong software at i-reboot para i-install.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.