AUG 09, 2024
Katumbas ng misyon ng SpaceX ang pagpapalawak ng pag-unawa ng sangkatauhan sa universe. Bilang resulta ng maraming taon ng coordinated work sa komunidad ng radio astronomy, partikular na sa National Science Foundation (NSF) at National Radio Astronomy Observatory (NRAO), nakabuo ang SpaceX at NRAO ng mga bagong technique para siguraduhing makapagbibigay ang advanced sateliite constellation ng Starlink ng mahahalagang opsyon sa connectivity malapit sa mga radio telescope habang tuloy-tuloy na pinoprotektahan ang kanilang mahalagang scientific research tungkol sa cosmos.
Magbasa pa...
MAR 07, 2024
Nakatuon ang mga engineering team ng Starlink sa pagpapahusay sa performance ng aming network na may layuning makapaghatid ng serbisyo na may stable na 20 millisecond (ms) median latency at minimal na packet loss.
Sa nakalipas na buwan, malaki ang naibawas naming median at worst-case ng latency para sa mga user sa buong mundo. Sa United States pa lang, nabawasan namin ang median latency nang mahigit 30%, mula 48.5ms na naging 33ms kapag nasa peak hours ng paggamit. Bumaba ang worst-case peak hour latency (p99) nang mahigit 60%, mula sa mahigit 150ms na naging mas mababa na sa 65ms. Sa labas ng United States, nabawasan din namin ang median latency nang hanggang 25%, at hanggang 35% sa mga worst-case latency.
Magbasa Pa...
FEB 12, 2024
Gaya ng idinetalye namin noong nakaraan, nakatuon ang SpaceX sa pagpapanatiling ligtas, sustainable, at accessible ang kalawakan, na pinoprotektahan ang mga astronaut at satellite na nasa orbit, pati na rin ang publiko sa kalupaan. Ipinakita namin ang commitment na ito sa pamamagitan ng pagkilos at pag-invest ng napakaraming resource para matiyak na natutugunan o nahihigitan ng lahat ng aming launch vehicle, spacecraft, at satellite ang mga regulasyon para sa kaligtasan at sustainability sa kalawakan, pati na ang pagbabahagi ng pinakamagagandang kasanayan sa iba pang launch provider at operator ng satellite sa buong mundo.
Naglalakbay ang mga satellite ng Starlink sa mababang orbit ng Earth, na mas mababa sa 600 km altitude. Natural na made-deorbit ng atmospheric drag sa mga altitude na ito ang isang satellite sa loob ng 5 taon o mas maaga pa, depende sa altitude at satellite design, kung mayroon mang hindi makapag-orbit. Proactive na dine-deorbit ng SpaceX ang mga satellite na natukoy na may mataas na panganib sa pagiging hindi namamaniobra. Mini-minimize ng proactive approach na ito ang dami ng mga hindi namamaniobrang satellite sa kalawakan. Idinisenyo ang mga Starlink satellite na ganap na malusaw, kaya walang idudulot na panganib sa kalupaan, sa himpapawid, o sa karagatan ang isang deorbiting satellite dahil nasusunog ito habang bumababa sa atmospera.
Magbasa Pa...
JAN 10, 2024
Noong Monday, January 8, matagumpay na nagpadala at nakatanggap ang team ng Starlink ng aming unang mga text message gamit ang T-Mobile network spectrum sa pamamagitan ng isa sa aming bagong Direct to Cell satellite na inilunsad anim na araw bago ang nasabing petsa. May ilang mabigat na challenge na dapat malampasan sa pagkonekta ng mga cell phone sa mga satellite. Halimbawa, stationary ang mga cell tower sa mga terrestrial network, pero sa isang satellite network, umuusad ang mga ito nang libo-libong miles per hour depende sa mga user sa Mundo. Kailangan nto ng tuloy-tuloy na handoff sa pagitan ng mga satellite at accommodation para sa mga factor tulad ng Doppler shift at delay sa timing na nagiging balakid sa mga komunikasyon ng telepono papunta sa kalawakan. Napakahirap ding ikonekta ng mga cell phone sa mga satellite na daan-daang kilometro ang layo dahil sa mababang antenna gain at mahinang transmit power ng isang mobile phone. Nilagyan ng mga innovative na bagong custom silicon, phased array antenna, at advanced software algorithm ang mga satellite ng Starlink na may Direct to Cell payload para malampasan ang mga challenge na ito at makapagbigay ng standard LTE service sa mga cell phone na nasa kalupaan. Bilang global leader sa rocket at satellite launch at manufacturing, natatanging nakaposisyon ang SpaceX para mabilis na i-scale ang aming Direct to Cell network at mabilis na ilulunsad ang constellation ng daan-daang satellite para i-enable ang text service sa 2024 at mga serbisyo ng voice, data, at Internet of Things (IoT) sa 2025.
Magbasa Pa....
FEB 26, 2023
Mula noong maibigay ang orihinal na lisensya para mapatakbo ang Starlink Generation 1 network noong March 2018, mabilis na nag-deploy ng mga satellite ang SpaceX para dalhin ang internet sa pinakamahihirap na abuting lugar sa United States at sa ibang bansa. Pagkalipas ng limang taon, naglunsad ang SpaceX ng halos 4,000 satellite at nagbibigay ng highspeed internet sa mahigit isang milyong lugar sa buong mundo. Mga household ang karamihan sa mga ito. Tuloy-tuloy ang mabilis na paglaki ng Starlink, at nakikipagsabayan ito sa lumalaking pangangailangan para sa connectivity sa buong United States at sa buong mundo, lalo na sa mga lugar kung saan kaunti, kung mayroon man, ang mga opsyon para sa mga broadband connection bago ngayon.
Dahil sa kamakailang awtorisasyon para sa aming second-generation network, o "Gen 2," magbibigay ang SpaceX ng mas mabibilis pang koneksyon sa mas maraming user. Dahil sa bagong awtorisasyon na ito, nakapag-launch ang SpaceX ng karagdagan at mas pinagandang spacecraft na may mas mataas na throughput per satellite kaysa sa mga first-generation system. Ibig sabihin nito, mas mataas na bandwidth at higit na realiability para sa mga end consumer. Dahil dito, milyon-milyon pang Amerikano ang magkakaroon ng access sa high-speed internet saan man sila nakatira.
Magbasa Pa...
AUG 25, 2022
Sa kabila ng malalakas na LTE at 5G terrestrial wireless network, mahigit 20% ng lupain sa United States at 90% ng Mundo ang nananatiling hindi saklaw ng mga wireless na kompanya. Nahirapan ang industriya ng telecom na masaklaw ang mga lugar na ito gamit ang tradisyonal na cellular technology dahil sa mga paghihigpit sa paggamit ng lupa (hal. mga National Park), mga limitasyon ng lupain (hal. mga bundok, disyerto, at iba pang topographical reality) at ang pagiging malaki at malawak ng mundo.
Ngayong araw, inanunsyo ng SpaceX at T-Mobile ang kanilang partnership para gamitin ang satellite network ng Starlink at wireless network ng T-Mobile para magbigay ng text coverage sa mga customer sa halos kahit saan sa continental US, Hawaii, mga bahagi ng Alaska, Puerto Rico, at teritoryal na katubigan, kahit nasa labas ng signal ng network ng T-Mobile.
Bukod pa rito, naglabas ang open invitation ang SpaceX at T Mobile sa mga carrier sa mundo na makipag-collaborate para sa tunay na pandaigdigang koneksyon. Nakatuon ang T-Mobile na magbigay ng reciprocal roaming sa mga provider na nakikipagtulungan sa kanila para maisakatuparan ang layuning ito.
Kung kinakatawan mo ang isang operator ng mobile network o isang regulatory agency at interesadong makipag-partner sa SpaceX para maghatid ng ganitong bagong level ng mobile connectivity sa rehiyon mo, makipag-ugnayan sa amin sa direct2cell@spacex.com.
Magbasa Pa...
AUG 10, 2022
Misyon ng Starlink na magbigay ng high-speed at low-latency connectivity sa buong mundo. Pinapatakbo namin ang pinakamalaking satellite constellation sa mundo, na may mabilis na lumalaking base ng user sa 37 bansa at dumarami pa. May magkakaibang challenge ang iba't ibang bahagi ng system na ito—mula sa mga naka-embed na Linux na pinapagana ng libo-libong computer sa kalawakan at mahigit isang milyon sa kalupaan, hanggang sa mga ipinamamahaging serbisyo, phone app, at kahit ang starlink.com.
Kami ang tanging may responsibilidad sa seguridad ng aming mga satellite, gateway, internet exchange point, at Starlink kit na ginagamit ng aming mga customer sa bahay. Isa itong napakalaking system na may makabuluhang epekto sa mundo. Kung gusto mo kaming tulungan na ma-secure ito, pag-isipang mag-ambag bilang isang researcher sa pamamagitan ng aming bug bounty program, o sumali sa aming product security team.
Magbasa Pa...
JULY 28, 2022
Mahalaga ang pag-explore ng kalawakan sa pangunahing misyon ng SpaceX. Kung gayon, nagsagawa ang SpaceX ng mga walang katulad na hakbang para makipagtulungan sa astronomy community para lalong maunawaan kung paano imi-mitigate ng SpaceX—at lahat ng operator ng satellite—ang posibleng epekto ng pag-reflect ng sinag ng Araw sa mga satellite sa mga astronomical observation.
Dahil sa malalim na pagtutulungang ito, nagpatupad ang SpaceX ng mga innovative technological solution at technique para i-minimize ang epekto ng mga satellite nito sa kalangitan kapag gabi. Katunayan, SpaceX ang may pinakamalaking investment kaysa sa anupamang may-ari/operator ng satellite para bumuo at mag-deploy ng ganoong mga teknolohiya at technique. Isang update ang memorandum na ito sa mga pagsisikap ng SpaceX, na dati naming ibinahagi rito, at ang kanilang mga kapaki-pakinabang na epekto.
Magbasa Pa...
JUN 21, 2022
Naging isa sa mga pinakamahalaga at pinakaginagamit na spectrum band ang 12 GHz sa mga American na nakadepende sa mga serbisyo ng satellite, kabilang ang mga user ng Starlink na umaasa sa 12 GHz para mag-download ng content. Gayunpaman, nagtatangka ang DISH Network na i-claim ang mga bagong karapatan sa 12 GHz band, na ipinapahiwatig na parang walang epekto ang mga bagong karapatang ito sa mga existing user.
Sa kabila ng mga teknikal na pag-aaral na nagmula pa noong 2016 na pinapabulaanan ang batayan ng kanilang mga claim, tinangka ng DISH na iligaw ang FCC gamit ang maling pagsusuri sa pag-asang maitago ang katotohanan. Kung nagtagumpay ang mga lobbying effort ng DISH, ipinapakita ng aming pag-aaral na makakaranas ang mga customer ng Starlink ng mapaminsalang interference sa mahigit 77% ng panahon at kabuuang outage ng serbisyo sa 74% ng panahon, na magiging dahilan para hindi magamit ng karamihan ng mga American ang Starlink.
Mababasa mo ang mga detalye ng pag-aaral na ito rito, pati na rin ang sulat ng SpaceX sa FCC tungkol sa isyung ito.
APR 24, 2022
Tumatawid ang mga satellite ng Starlink sa mga altitude ng International Space Station (ISS) at ng Chinese Space Station Tiangong nang dalawang beses habang naglalakbay sa kalawakan: isang beses habang paakyat ang mga ito papunta sa kanilang mga obit kung saan sila nagbibigay ng serbisyo sa mga customer, at isa pang beses kapag bumababa na ang mga ito mula sa kanilang mga orbit. Pangunahing priyoridad ng SpaceX sa mga transition na ito ang kaligtasan ng mga crew na sakat ng mga space station na ito. Dahil dito, tuloy-tuloy na ini-screen ng aming mga operational system ang mga flight path ng aming satellite at ikinukumpara ito sa mga flight path ng mga space station para matiyak na mayroon itong ligtas na distansya mula sa isa't isa, kahit pa nangangahulugan ito na pag-reroute ang aming mga satellite.
Mahigpit na nakatuon ang SpaceX sa operational transparency para ma-maximize ang kaligtasan at sustainability sa kalawakan. Dahil sa nasabing interes, pina-publish namin ang memorandum na ito para ilarawan ang paraan namin ng pag-iwas sa space station gamit ang detalye na pang-engineering.
Magbasa pa...
FEB 22, 2022
Itinatag ang SpaceX para i-revolutionize ang space technology tungo sa pagiging multiplanetary ng buhay. SpaceX ang nangungunang provider ng mga serbisyo sa paglulunsad sa mundo at ipinagmamalaki nito ang pagiging unang pribadong kumpanya na naghatid ng mga astronaut papunta sa at mula sa International Space Station (ISS). Ito rin ang una at nag-iisang kumpanya na nakakumpleto ng misyon na mag-orbit sa mundo na binubuo ng mga civilian na crew. Kaya naman, nakatuon ang SpaceX sa pagpapanatili ng isang ligtas na orbital environment, pagprotekta sa spaceflight ng tao, at pagtiyak na napapanatiling sustainable ang kapaligiran para sa mga misyon sa hinaharap sa orbit ng Earth at higit pa.
Habang isinasaalang-alang ang sustainability ng kalawakan, isinulong namin ang state-of-the-art sa mga key technology area gaya ng pagpapalipad ng mga satellite sa mabababang altitude, paggamit ng sustainable electric propulsion sa pagmamaniobra at active de-orbit, at paggamit ng mga inter-satellite optical communication para sa tuloy-tuloy na pagpapanatili ng pakikipag-ugnayan sa mga satellite. Sinisikap ng SpaceX na maging pinakatapat at transparent na satellite operator sa mundo. Nakadetalye sa report na ito ang aming mga prinsipyo sa pagpapatakbo na nagpapakita ng aming commitment sa sustainability at kaligtasan sa kalawakan.
Magbasa Pa...
APR 28, 2020
Inilunsad ng SpaceX ang Starlink para magbigay ng high-speed at low-latency broadband connectivity sa buong mundo, kabilang sa mga lugar kung saan tradisyonal na napakamahal, hindi naaasahan, o ganap na hindi available ang internet. Mariin din kaming naniniwala sa kahalagahan ng isang natural na kalangitan sa gabi para ma-enjoy nating lahat. Ito ang dahilan kung bakit kami nakikipagtulungan sa mga nangungunang astronomer sa buong mundo para mas maunawaan ang mga detalye ng kanilang mga obserbasyon, pati na ang mga pagbabago sa engineering na puwede naming gawin para mabawasan ang pagiging maliwanag ng satellite.
Bagama't SpaceX ang unang malaking manufacturer at operator ng constellation para matugunan ang pagiging liwanag ng satellite, hindi kami ang huli. Nakadetalye sa report na ito ang aming mga talakayan kasama ang mga nangungunang astronomer kaugnay ng paksang ito, at ang mga hakbang na ginawa namin para gawing mas madaling malutas ng lahat ang problemang ito sa hinaharap.
Magbasa Pa...