Bilang nangungunang provider ng mga launch service sa buong mundo, SpaceX ang tanging satellite operator na may kakayahang maglunsad ng sarili nitong mga satellite kung kinakailangan. Sa mas madalas at murang pag-launch, tuloy-tuloy na ina-update ang mga satellite ng Starlink sa pinakabagong teknolohiya.
Para sa impormasyon tungkol sa pag-enable ng mabisa at bukas na conjunction coordination, pumunta sa page ng aming satellite operator Para i-download ang mga pinakabagong satellite ephemeris ng Starlink, o para magsumte ng ephemeris para sa sarili mong satellite para sa mabilis na conjunction screening, sumangguni sa conjunction screening system documentation.
Nagmumula ang karamihan sa mga serbisyo sa internet ng satellite sa mga single geostationary satellite na umiikot sa Earth mula sa layong 35,786 km. Bilang resulta, mataas ang round trip data time sa pagitan ng user at satellite—kilala rin bilang latency, na ginagawang halos imposibleng suportahan ang streaming, online gaming, mga video call o iba pang aktibidad na mataas ang data rate.
Ang Starlink ay constellation ng libo-libong satellite na umiikot sa planeta nang mas malapit sa Earth, sa layong tinatayang 550km, at sumasaklaw sa iba't ibang panig ng mundo. Dahil nasa low orbit ang mga satellite ng Starlink, talagang mas mababa rin ang latency nito—tinatayang 25 ms kumpara sa 600+ ms.