Mahalagang Impormasyon Bago I-transfer ang Starlink Hardware:
- Responsibilidad: Walang responsibilidad ang Starlink sa kondisyon ng mga kit na ibinebenta o tina-transfer ng mga third-party.
- Pagbabayad: Tiyaking ganap na nabayaran ang lahat ng order at serbisyo, nang walang natitirang balanse.
- Kanselahin ang Serbisyo: Dapat mong kanselahin ang serbisyo sa iyo para ma-transfer ang hardware.
- Hihinto ang Serbisyo: Kapag na-transfer na, permanenteng aalisin ang Starlink sa account mo. Hihinto kaagad ang serbisyo, at mawawala ang anumang natitirang araw ng serbisyo.
- Pag-sign-Up ng Bagong User: Dapat mag-sign up ang bagong may-ari para sa serbisyo sa starlink.com. Maaaring mag-iba ang availability ayon sa rehiyon at uri ng serbisyo (hal., Residential, Roam, atbp.).
- Mga Singil: Sisingilin ang bagong user para sa unang buwan ng serbisyo sa pag-activate.
- Warranty: Ang warranty ay batay sa orihinal na petsa ng pagbili, kahit na ibinenta o inilipat ng isang third party. I-verify ang kundisyon ng kit bago bumili mula sa mga third party. Alamin pa ang tungkol sa warranty dito.
- Pagsunod ng Bansa: Ang mga Starlink kit ay na-certify para sa mga partikular na bansa. Posibleng limitahan ang ilang serbisyo batay sa bansa kung saan ito orihinal na binili.
Mga Paghihigpit sa Pag-transfer:
- Hindi pinapayagan ang mga pag-transfer nang hanggang 120 araw pagkatapos ng pagbili o 90 araw pagkatapos ng pag-activate, alinman ang mauna. Kailangang manatiling active ang serbisyo sa loob ng 90 araw mula sa pag-activate.
- Hindi pinapayagan ang mga pag-transfer kung may hindi pa nababayarang balanse ang account.
- Kung nasimulan mo na ang pagsasauli ng hardware mo, puwede mo lang i-transfer ang hardware mo kung hindi pa na-scan ng carrier ang label nito.
Mahalagang Tandaan:
Kung nagkakaroon ka ng mga isyu sa pag-trasfer ng Starlink mo 120 araw pagkatapos itong bilhin sa isang awtorisadong retailer, makipag-ugnayan sa Starlink support kasama ang proof of purchase mo.
Nakatuon kami sa pagbibigay ng high-speed internet sa Malawi at Nigeria at mahigpit na nakikipagtulungan sa mga regulator para gumawa ng mga adjustment na magpapaganda pa sa karanasan ng customer. Hanggang sa maaprubahan ang mga pagbabagong ito, naka-hold kami sa mga bagong Residential order. Magdeposito ngayon para magpa-reserve ng Starlink mo at makakatanggap ka ng abiso kapag hindi na naka-hold ang mga order.
Paano I-transfer ang Starlink Mo
- Mag-log in sa account mo sa [starlink.com] starlink.com.
- Piliin ang tab na "Mga Subscription" at saka piliin ang subscription na gusto mong i-transfer ang serbisyo
- I-click ang "Pamahalaan" sa kahon ng Service Plan at "Kanselahin ang Serbisyo." (Tandaan ang Starlink identifier dahil hindi mo na ito makikita pagkatapos itong alisin sa account mo.)
- Sa ilalim ng "Mga Device," hanapin ang Starlink mo, i-click ang "I-transfer," at kumpirmahin ang mga kondisyon. Permanente nitong aalisin ang Starlink sa account mo.
- (Opsyonal) Ilagay ang email ng bagong may-ari para ipadala ang link sa pag-activate. Kung hindi, i-click ang "isara" para matapos.
- I-factory reset ang router mo.
- Ibigay ang lahat ng item sa kit sa bagong may-ari.
- Ibahagi ang Starlink identifier sa bagong may-ari para sa pag-activate:
- Kit Serial Number: Nasa shipping label (hal., KIT00000000) - narito ang halimbawa
- Starlink Serial Number: Nag-iiba-iba depende sa uri ng hardware
- Starlink Standard/ Starlink Enterprise: Nasa likod ng Starlink malapit sa connector ng port.
- Mini: Nasa kaliwang sulok sa ibaba ng Kickstand.
- Starlink Standard Actuated/Starlink Performance (Gen 1): Nasa ilalim ng mast.
- Starlink Performance (Gen 2): Nasa likod ng Starlink malapit sa connector port.
- Terminal ID: Buksan ang Starlink app, pumunta sa Mga Setting > Advanced, at hanapin ang ID sa ilalim ng "STARLINK" (hal., 00000000-00000000-00000000).
Paano I-activate ang Starlink Mo
Kung ikaw ang bagong may-ari, i-activate ang Starlink mo sa pamamagitan ng pagpunta sa aming FAQ: Paano ko ia-activate ang Starlink ko?.
Makakuha ng mga email update ng Starlink dito.
Mga Inirerekomendang Paksa: