Nakatira ako sa isang lugar na may niyebe, malakas na ulan, hangin, kidlat, o matinding temperatura - magagamit ko pa ba ang Starlink?
Idinisenyo at mahigpit na na-test ang Starlink para hindi masira sa iba't ibang range ng temperatura at lagay ng panahon kabilang ang snow, hail, sleet, malakas na ulan, at matinding init. HIndi idinisenyo ang Starlink para mapamahalaan ang mga bagyo, buhawi, lindol, meteor, dinosaur, o iba pang matitinding pwersa ng kalikasan.
- Temperatura - Ni-rate ang Starlink para gumana sa outdoors na may temperaturang -30 hanggang +50 degrees Celsius, o -22 hanggang +122 degrees Fahrenheit. Ni-rate din ang router at power supply para gumana sa indoors na may temperaturang 0 hanggang +30 degrees Celsius, o +32 hanggang +86 degrees Fahrenheit. Kapag may matinding init o lamig, posibleng makaranas ang Starlink ng bahagyang mas mababang performance.
- Snow - Mayroon ding kakayahan ang Starlink na makatunaw ng snow! Tumutulong ang feature na ito na maiwasang masira ang serbisyo sa mga kondisyon ng winter. Inirerekomenda namin ang pag-install ng Starlink sa isang lokasyon kung saan hindi naiipon ang snow at iba pang nakaharang na maaaring humarang sa field of view.
- Ulan - Idinisenyo ang Starlink para gumana sa mga basang kondisyon; ito ay hydrophobic at hindi nakakaakit ng tubig. Sa mga pambihirang sitwasyon, maaaring makaapekto sa koneksyon mo ang malakas na ulan o hangin, na maaaring magdulot ng mas mabagal na internet o pambihirang outage. Mahigpit na inirerekomendang huwag maglagay ng mga karagdagang takip na pangproteksiyon dahil pinapababa nito ang performance ng Starlink kabilang ang kakayahan nitong tumunaw ng snow.
- Kidlat - Natutugunan ng Starlink ang mga kinakailangang grounding ng U.S. National Electrical Code (NEC). Gayunpaman, kung nakatira ka sa isang lugar na may kidlat, puwedeng mabawasan ng panlabas na sistema ng proteksyon mula sa kidlat (lightning rod, ground rod, surge protector, atbp.) ang kalamangang matamaan ng kidlat. Para sa karagdagang proteksyon kapag may lightning storm, o kapag naiwan ito nang walang bantay at hindi nagamit sa loob ng mahabang panahon, tanggalin sa saksakan ang produkto at alisin ang koneksyon ng Starlink cable. Maaari nitong iwasang mapinsala ang produkto dahil sa kidlat at mga power line surge.
Para sa mga user o negosyong nangangailangan ng mas mataas na performance habang nakatira sa mga lugar na may pinakamatinding kondisyon ng panahon, inirerekomenda namin ang High Performance Starlink. Kasama ng mas malaking High Performance Starlink ang mas mahusay na kakayahang tumunaw ng snow, pati na rin ang kakayahang magkaroon ng mas mabilis na internet sa mga lugar na may matataas na temperatura. Para sa mga negosyo, bisitahin ang Starlink Business.
Tandaan: Kasalukuyang hindi available ang High Performance Starlink sa US at CA, kaya inirerekomenda namin ang Flat High Performance Starlink.
Mga Kaugnay na Paksa: *
Paano pinangangasiwaan ng Starlink ang snow at yelo?
Paano ko ia-adjust ang snow melt mode?