Para tingnan ang mga instruction kung paano i-activate ang serbisyo para sa Starlink na binili sa awtorisadong retailer o inilipat mula sa third party, i-click ito.
Para i-activate ang serbisyo sa iyo, may opsyong kang piliin ang dati mong plan o pumili ng bago. Tandaan, posibleng hindi available ang ilang service plan at puwedeng magbago ang mga presyo ng service plan.
Availability: Nakadepende sa capacity ng lugar ang kakayahang muling i-activate ang Residential na serbisyo pagkatapos kanselahin o gamitin ang Standby Mode. Patuloy kaming nagdaragdag ng capacity at nagsisikap na tuluyang mawala ang mga sold out na rehiyon. Halimbawa, kasalukuyang walang sold-out na rehiyon sa United States, ibig sabihin, puwedeng ipagpatuloy ng mga US-based customer ang Residential service nang walang pagkaantala. Puwede mong tingnan ang availability map ng serbisyo ng Starlink sa starlink.com/map. Kung walang capacity sa rehiyon mo para sa Residential na serbisyo, magkakaroon ng opsyon na muling mag-activate gamit ang Roam o Priority service plan.
Puwede mong i-reactivate ang Roam plan kahit kailan pagkatapos magkansela o gamitin ang Standby Mode, maliban sa mga napakabihirang sitwasyon na pansamantalang nililimitahan ang Roam sa buong bansa dahil sa mga pangregulasyon na dahilan. Gayunpaman, nagsusumikap kaming ibalik ang access sa lalong madaling panahon.
Hindi awtorisadong retailer/reseller Hindi namin maa-activate ang serbisyo para sa Starlink na binili mula sa isang hindi awtorisadong retailer o reseller.
**Paglipat ng Bansa:**Kung lilipat ka sa ibang bansa o gusto mong i-update ang account mo sa naturang bansa, kakailanganin mong kanselahin ang kasalukuyang service plan mo at mag-set up ng bagong account sa bago mong bansa.
Tinitiyak ng prosesong ito na nakarehistro ang mga Starlink account at hardware sa tamang bansa ng paggamit. Nagbibigay-daan din ito sa amin na sumunod sa mga lokal na regulasyon at magbigay ng tumpak na billing at support.
Alamin pa rito kung paano mag-transfer sa ibang bansa.
Makakuha ng mga email update ng Starlink dito.
Mga Inirerekomendang Paksa:
[Ano ang Starlink Identifier?]https://support.starlink.com/?topic=2802431a-135f-0671-4c1b-4cedb65b291a)
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.