Starlink Standard Actuated
Starlink Standard
Starlink Enterprise
Starlink Mini
Mahalagang tandaan: Bagama't sumusunod ang Starlink cable sa mga pamantayan ng RJ45, hindi namin inirerekomenda na palitan ang cable mo o isama ito sa iba pang cable para dugsungan ang haba dahil hindi namin magagarantiyahan ang kalidad ng serbisyo. Bukod pa rito, may water-resistant protective seal ang Starlink cable na may locking mechanism, at power rated na partikular sa Starlink kit. Dahil dito, hindi namin inirerekomenda ang paggamit ng anumang third-party cable dahil puwede itong magdulot ng pagkasira ng Starlink mo dahil sa tubig.
Puwedeng mawalan ng bisa ang warranty ng Starlink mo dahil sa anumang pagkasira ng Starlink Kit mo na dulot ng nabanggit sa itaas. Gamitin nang may sariling panganib. Pinapayuhan ka naming tingnan sa Starlink shop ang mga karagdagang opsyon sa cable na baka mas angkop sa Starlink setup mo.
High Performance Starlink at Flat High Performance Starlink
Standard (Circular) Starlink
Pag-route ng Cable
Nagbibigay ang cable routing kit at masonry routing kit ng hardware na kailangan para ipadaan ang Starlink cable sa karamihan ng mga pader, at mabibili sa Starlink shop kapag handa nang ipadala ang Starlink kit mo. Bago ka umorder, puwede mong i-preview ang mga item sa Gabay sa mga accessory ng Starlink.
Tandaan: Puwedeng makaapekto sa kalidad ng serbisyo sa iyo ang mga sira sa cable kaya siguraduhing walang nakabaluktot, debris, o naipit ng pinto sa mga cable mo. Walang rating ang cable para ibaon sa lupa o ilubog sa tubig.
Para sa karagdagang gabay sa pag-install, i-click ito at mag-navigate sa Starlink kit mo.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.