Binibigyan ka ng mga Priority plan ng flexibility na bumuo ng plan na may dami ng data na pinakamainam para sa mga pangangailangan mo. Puwede mong isaayos ang data mo sa tatlong paraan:
Buwanang Halaga ng Data: Magre-renew ang buwanang data mo sa simula ng bawat billing cycle. Puwede mong i-update ang dami ng buwanang data mo sa 50GB block o 500GB block. Magkakabisa ang mga pagbabago sa dami ng buwanang data mo sa simula ng susunod mong billing cycle.
Isang Beses na Pag-top-up: Mano-mano na magdagdag ng 50GB top-up sa kalagitnaan ng cycle kung kailangan mo ng karagdagang data bago ang susunod mong bill.
Awtomatikong Pag-top-up: Mag-opt in para awtomatikong magdagdag ng 50GB na mga top-up sa kalagitnaan ng cycle kapag naubusan ka ng Priority data.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.