Pinapayagan ka ng bypass mode na i-off ang Starlink router at direktang ikonekta ang isang third-party router sa Starlink. Kapag naka-activate ang bypass mode, ganap na naka-disable ang mga WiFi feature ng Starlink router. Puwede mong i-enable ang bypass mode sa Starlink app sa ilalim ng "Mga Setting." Para i-disable ang bypass mode, puwede kang magsagawa ng factory reset.
Standard Actuated Starlink na may Gen 2 Router:
- Kakailanganin mo ng ethernet adapter para ikonekta ang thirs-party router.
Standard Starlink na may Gen 3 Router:
- I-enable ang bypass mode gamit ang Starlink app
- Kapag naka-enable na ang bypass mode, puwede mong direktang i-plug ang third-party router mo sa isa sa mga ethernet port sa likod ng router.
- May makikitang violet na ilaw, na nagpapahiwatid na nasa bypass mode ang router. Mawawala ang ilaw pagkalipas ng isang oras. Para lumabas sa bypass mode, kakailanganin mong magsagawa ng pag-factory reset.
Starlink Mini:
- Inirerekomenda naming gamitin ang opisyal na ethernet cable ng Starlink Mini para panatilihin ang weatherproofing ng Mini.
Starlink Enterprise:
- Sa halip na mag-bypass, i-plug lang ang third-party router sa power supply.
*Bago i-set up ang third-party router mo, siguraduhing mayroon kang active na Starlink account. Puwede mong i-activate ang account mo sa Starlink.com/activate bago magpatuloy sa third-party setup mo para magkaroon ng online connection.
High Performance at Flat High Performance Starlink na may Gen 2 Router:
- Sa halip na mag-bypass, i-plug lang ang third-party router sa power supply.
Standard Circular Starlink na may Gen 1 Router:
- Sa halip na mag-bypass, direktang palitan ang Gen 1 router ng third-party router mo.
Mga Inirerekomendang Paksa:
Paano ko ifa-factory reset ang router ko?
Paano ako magdaragdag ng third-party router o mesh system?