Sino ang kuwalipikado para sa alok na ito na $0 kit at may diskuwentong serbisyo?
- Isa itong alok na para sa mga inimbitahan lang na mga existing customer ng Starlink sa Argentina, Mexico, Chile, Colombia, Costa Rica, at Peru na may active na Residential service plan. Idinisenyo ito para payagan kang maglagay ng pangalawang Standard kit para sa mas malawak na paggamit—tulad ng sa pangalawang bahay, para sa mga kapamilya, sa isang farm, sa isang opisina, o kahit saan na kailangan ng maaasahang internet.
** Paano ko ire-redeem ang alok?**
-I-click lang ang button na "Umorder ng $0 Standard Kit" sa email ng imbitasyon sa iyo. Pagkatapos i-redeem ang alok, makakatanggap ka ng confirmation email kapag naproseso na ang order. Ginagarantiyahan lang ang alok sa loob ng limitadong panahon, kaya kumilos kaagad para ma-secure ito.
Ano ang kasama sa $0 Standard Kit?
- Makakatanggap ka ng kumpletong Starlink Standard Kit (kasama ang terminal at Gen 3 router) nang walang upfront na babayaran para sa hardware. Ibinibigay ito bilang $0 rental na naka-bundle sa active mong Residential plan, na nagkakahalaga ng mahigit USD $300 pero sisingilin nang $0.
Ano ang saklaw ng may diskuwentong serbisyo ng Residential?
- Nalalapat lang ang may diskuwentong serbisyo sa bago mong idinagdag na linya ng serbisyo at mananatili ito hangga't hindi mo ito kinakansela. Kasama sa plan ang unlimited data para personal na gamitin o gamitin sa bahay.
Ano ang mangyayari kung kakanselahin ko ang pangunahin kong Residential plan o ang bagong may diskuwentong serbisyo?
- Kapag nagkansela ka ng alinmang plan, kakailanganin mong isauli ang rental kit sa loob ng 30 araw. Ayos lang ang karaniwang pagkaluma at pagkasira, pero kapag hindi ito naisauli, sisingilin ang buong halaga ng Starlink Standard kit sa paraan mo ng pagbabayad.
Gaano katagal ang shipping, at kailan magiging active ang serbisyo?
- Nag-iiba-iba ang tagal ng shipping depende sa lokasyon (karaniwang 2–4 na linggo), at aabisuhan ka sa email kapag naipadala na ang kit mo.
May limitasyon ba sa kung ilang karagdagang kit ang puwede kong idagdag sa alok na ito?
- Para sa pagdaragdag ng isang karagdagang Standard kit sa bawat active na Residential account ang alok na ito.
Mga Inirerekomendang Paksa: