Maghambing ng mga plan dito
Tandaan, mag-iiba-iba ang presyo depende sa market batay sa currency, mga buwis, at iba pang kondisyon ng local market, tingnan dito ang iba pang detalye. Posibleng hindi sa lahat ng uri ng account available ang feature na ito. Kung pinag-iisipan mong lumipat mula sa isang roam service plan sa isang fixed-site service plan, siguraduhin munang ilagay ang service address mo sa account mo. Kung nakakaranas ka ng mga isyu sa connectivity pagkatapos lumipat mula sa isang roam service plan sa isang fixed-site service plan, siguraduhing valid ang service address ng account mo. Kung hindi mo magamit ang "Opsyon na Palitan ang Service Plan," makipag-ugnayan sa customer support.
Puwedeng palitan ng mga Residential account at Business account ang service plan nila gamit ang mga sumusunod na hakbang:
Website:
Starlink App:
Palitan ng mas mahal na plan: Magkakabisa kaagad ang pagbabagong ito. Sisingilin ka ng pro-rated na bayad na nakadepende sa pagkakaiba ng buwanang halaga ng plan at natitirang panahon sa kasalukuyang billing cycle mo.
Palitan ng mas murang plan: Mananatili ang kasalukuyan mong service plan, at magkakabisa ang bago mong service plan sa simula ng susunod mong billing cycle. Sisingilin ka ng bagong buwanang halaga ng serbisyo sa simula ng susunod mong billing cycle.
Palitan ng plan na may parehong presyo: Magkakabisa kaagad ang pagbabagong ito. Dahil walang pagkakaiba sa presyo, wala kang babayaran para sa pagbabagong ito.
Tandaan, kung binago mo ang plan mo bago ang pag-activate, sisingilin ka ng buong presyo ng bagong plan sa oras ng pag-activate.
Mga Limitasyon:
Kung hindi ka pa customer ng Starlink: Umorder Na.
Makakuha ng mga email update ng Starlink dito.
Mga Kaugnay na Paksa:
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.