Para sa mga customer sa Cape Verde na naapektuhan ng Bagyong Erin, nagbibigay ang Starlink ng isang buwan na libreng serbisyo.
Para sa mga existing na active customer, walang kailangang gawin. Proactive kaming nag-apply ng isang buwan na service credit sa account mo.
Para sa mga kasalukuyang customer na nasuspinde o naka-pause, naglapat rin kami ng credit, na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong i-reactivate at gamitin ang service credit sa loob ng panahong ito.
Para sa mga bagong customer sa Cape Verde, bibigyan ka rin namin ng isang buwan na libreng serbisyo. Pagkatapos mong bumili at i-activate, gumawa ng support ticket na binabanggit ang "Bagyong Erin."
Puwede mong tingnan ang mga existing credit sa pamamagitan ng billing tab sa account mo.
Mga Residential Customer: In-update din namin ang aming patakaran para awtomatikong mabigyan ang mga Residential customer ng Roam Unlimited plan sa susunod na 30 araw. Ibig sabihin, puwede mo na ngayong gamitin ang Starlink mo kahit saan sa bansa at makakatanggap ka ng serbisyo.
Pagkatapos ng 30 araw, awtomatiko kang babalik sa dati mong Residential plan at service address. Para sa anumang tanong, makipag-ugnayan sa amin at gumawa ng support ticket.
Mga Karagdagang Detalye
Kung naapektuhan ng Bagyong Erin ang Starlink equipment mo, makipag-ugnayan sa support para humingi ng tulong na mabigyan ka ng libreng kapalit.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.