Kung naapektuhan ka ng wildfires sa Los Angeles, California o kailangang i-enable ang mabilisang tulong sa pagtugon sa mga komunidad na apektado nito, nag-aalok ang Starlink ng libreng serbisyo hanggang February 10.
Paki-follow ang @Starlink sa X at palaging bumalik dito para sa mga update habang nakikipagtulungan kami sa mga lokal na response team kaugnay ng mga karagdagang oportunidad para tumulong.
Walang kailangang aksyon, habang pro-active naming ina-apply ang isang buwang service credit sa account mo. Puwede mong tingnan ang service credit sa account mo sa ilalim ng billing tab.
Kung nagkansela o naka-pause ka ngayon, nag-apply rin kami ng credit para sa halaga ng dati mong service plan, na binibigyan ka ng pagkakataong mag-reactivate at gamitin ang service credit sa loob ng panahong ito.
Puwedeng gawing ng mga customer na gustong bumili ng kit sa Starlink.com at ma-access ang opsyon sa libreng serbisyo ang mga sumusunod na hakbang
Tandaan: Sa mga lugar ng serbisyo lang na naapektuhan ng LA wildfires makikita ang opsyon sa serbisyo na "Tulong kaugnay ng Sakuna". Kung hindi mo makita ang $0 na opsyon, hindi kuwalipikado ang inyong lugar. Kung naniniwala kang isa itong error, makipag-ugnayan sa support.
Tandaan: Kailangan ngayon ng Starlink kit para ma-access ang libreng serbisyong ito. Kung wala ka pang Starlink kit, kakailanganin mong bumili nito mula sa starlink.com/residential o sa isang awtorisadong retailer gaya ng Best Buy o Home Depot.
Puwedeng gawin ng mga customer na may Starlink mula sa isang retailer at gustong mag-activate gamit ang opsyon sa libreng serbisyo ang mga sumusunod na hakbang
Tandaan Kung kailangan mong magdagdag ng mahigit sa 8 kit para sa large-scale na activation para sa mga emergency response group, makipag-ugnayan sa support na nagre-request ng tulong sa LA wildlife.
Paano kung wala akong access sa account ko o natanggap ang Starlink kit ko mula sa isang 3rd party o isang donasyon?
Kakailanganin mong makipag-ugnayan sa Starlink Support para i-transfer ang kit sa isang bagong account.
Tingnan ang mapa sa ibaba para sa mga apektadong lugar na kuwalipikado para sa Tulong kaugnay ng Sakuna na service plan.
Paki-follow ang @Starlink sa X at palaging bumalik dito para sa mga update habang nakikipagtulungan kami sa mga lokal na response team kaugnay ng mga karagdagang oportunidad para tumulong.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.