Sa ilang bansa, inaatasan ang Starlink ng mga lokal na awtoridad sa regulasyon na kolektahin ang impormasyon ng pagkakakilanlan ng mga customer para makapagbigay ng serbisyo. Kapag kailangan ang impormasyon, makakakita ka ng red banner sa Starlink account mo na humihiling sa iyong i-upload ang karagdagang impormasyon. Para i-upload ang impormasyon mo, i-click ang "I-click Ito" at kumpletuhin ang form.
*Mahalagang tandaan: *
- Mag-upload ng malinaw na larawan ng ni-request na impormasyon ng pagkakakilanlan. Kapag hindi mo ito nagawa, magkakaroon ng pagkaantala sa serbisyo.
- Hindi dapat expired o may pinsala ang dokumento. Kung nag-expire na ito o hindi mabasa, hindi namin mave-verify ang impormasyon mo.
- Para i-upload ang Impormasyon mo, i-click ang "I-update" sa pulang banner sa itaas ng home page mo sa Starlink account mo. Ayon dito, "Iniaatas ng mga regulasyon na kailangang ibigay ang karagdagang impormasyon para kumpletuhin ang pagpaparehistro mo."
- Kapag naisumite na, kailangang ma-verify ang impormasyon mo. Puwedeng tumagal nang hanggang isang araw ang prosesong ito. Kung na-upload ang maling impormasyon, posibleng magkaroon ng karagdagang pagkaantala sa pag-verify ng impormasyon.
Makakuha ng mga email update ng Starlink dito.