
24/7 Priority Support
 Nagbibigay ang Starlink ng 24/7 Priority Support para sa mga Business at Enterprise customer nito
- 24/7 Customer Support sa pamamagitan ng online ticketing system sa [support.starlink.com.]( http://support.starlink.com .) Priyoridad ang mga ticket ng customer ng priority plan kaysa sa iba pang request sa queue.
- Makakahanap din ang mga customer ng support na available sa Starlink App, na available sa iOS at Android.
Paano Magsumite ng Support Tiket
- Pumunta sa Starlink Help Center - Maghanap lang ng mga paksa o mga madalas itanong tungkol sa Account, Billing, Order, Service Plan, Pag-setup at Pag-install, Specification at Configuration, at Pag-troubleshoot. 
- Puwede ka ring Magsumite ng Starlink Support Ticket
- Piliin ang "Account" mula sa mga opsyon sa dropdown 
- Piliin ang "Kategorya" na pinakatumutugma sa problema na nararanasan mo  
- Magbigay ng nakakatulong na "Pamagat" na nagpapaliwanag sa request para sa Starlink Support  
- Magbigay ng "Deskripsyon" kasama ang lahat ng kinakailangang detalye kabilang ang, pero hindi limitado sa impormasyon ng pag-order, mga petsa, mga isyu/tanong, o kahit mga identifier na partikular sa device (Kit #, Serial #, o UTID #) 
 Mag-attach ng kahit na anong nauugnay
na dokumentasyon kung naaangkop - Piliin ang "Isumite"  - Para makipag-usap sa isang miyembro ng Starlink Support team sa telepono, mag-request ng tawag kapag nagsumite ka ng Starlink Support Request mo, at tatawagan ka ng miyembro ng Starlink Support sa lalong madaling panahon.  
- Available ang aming support team 24/7/365. Makakatanggap ang mga enterprise ticket ng prioritized na support at imbestigasyon.
 
Isama ang mga Teknikal na Detalye para makakuha ng mabilis na epektibong suporta
 Isama ang mga sumusunod na detalye kapag nagsusumite ng mga support ticket, para matulungan ang aming support team na makapagbigay ng mas mabilis na tugon:
- Mga apektadong  terminal: Aling mga mismong user terminal ang naapektuhan ng isyu (isama ang alinman sa asset number o lahat ng apektadong UT ID/Kit ID)?
- ** Mga Timestamp at Lokasyon**: Ano ang eksaktong petsa at oras kung kailan nagsimula ang isyu at kung nagpapatuloy pa rin ito? hal. para sa maritime, nasaan ang vessel nang nagkaroon ng isyu?
- Epekto/kalubhaan: Ganap bang nawala ba o lubhang bumagal ang internet kaysa sa normal? hal. Nagrereklamo ba ang mga pasahero/crew? Kung oo, anong mga uri ng reklamo at ilan?
- Data: Isama ang mga numero o screenshot ng QoE metrics.
- Troubleshooting: Ano ang ginawa mo para mag-troubleshoot o mga sinubukan mo nang test? Ibig sabihin, sinubukan mo na bang i-reboot ang mga terminal o tingnan ang mga koneksyon ng cable?
Mga FAQ
Nagbibigay ba ng suporta ang Starlink?
Nakakatanggap ang mga Priority service plan ng 24/7 na priority customer support habang nasa subscription. 
Nag-aalok ba ang Starlink ng mga garantiya sa bilis o SLA?
Para sa mga Priority Service Plan nito, nag-aalok ang Starlink ng 99.9% network availability Service Level Agreement (SLA). Magbasa pa sa Kasunduan sa Antas ng Serbisyo ng Priority Plan.
Ano ang ginagawa para sa maintenance ng Starlink dish?
Nakakaya ng Starlink terminal ang matinding temperatura, hail, sleet, malakas na ulan, at malalakas na hangin. Kapag nagkaroon ng isyu, makipag-ugnayan sa support.