Kasalukuyang nag-aalok ang Starlink ng customer referral program saanman available ang Starlink. Eksklusibong available ang program sa mga may-ari ng residential account na may Residential o Roam service. Para alamin pa, pumunta sa starlink.com/referrals.
Bilang bagong user:
- Mag-log in sa Starlink account mo sa app o online.
- Sa Starlink app, pindutin ang icon na 'tao' at pagkatapos ay pindutin ang "Libreng buwan para sa iyo at sa kanila". (Ito ay “Mga Referral” online).
*Puwede mong kopyahin at i-paste ang link na ito o ibahagi gamit ang Starlink app.
- Kung bumili ang ni-refer mong kaibigan gamit ang referral link mo, makakatanggap ka ng notification sa email.
- 30 araw pagkatapos i-activate ang account ng kaibigan mo, ilalapat ang service credit sa account mo.
- Gagamitin ang service credit para bawasan ang kabuuan ng susunod mong invoice.
Para makita ang dami ng beses o kung magkano ang service credit na inilapat sa account mo, puwede kang mag-log in sa account mo sa web at tingnan ang seksyon na referral.

Mga kasalukuyang limitasyon:
- Magbibigay lang ng mga credit ang mga referral sa mga Residential subscription at Roam subscription.
- Ibinibigay ang mga referral code batay sa account level, hindi sa dami ng mga linya ng serbisyo.
- Hindi kuwalipikado para sa referral program ang mga kit na binili mula sa isang reseller. Tandaan na walang ibibigay na credit kahit pa gumamit ng referral link kapag nag-activate.
- Kailangang gawin ang mga referral sa loob ng iisang bansa.
Paano ko magagamit ang referral credit ko?
- Bilang Ni-refer (Nag-sign up ka gamit ang referral link): Ilalapat ang credit 30 araw pagkatapos mong i-activate ang account mo. Awtomatikong gagamitin ang credit para bawasan ang susunod mong invoice. Dahil ang pag-activate ay bahagi ng pagtitiyak na lehitimo ang referral, kakailanganin mong bayaran ang unang buwan.