Tiyaking tama ang shipping address ng order sa account page mo.
Maling address:
Tamang address:
I-click ito para mahanap ang tracking number mo sa Starlink App.
Kung FedEx ang delivery carrier mo, makipag-ugnayan sa Customer Support ng FedEx para magsumite ng claim para sa Starlink Order mo. Pagkatapos matanggap ang claim number mo mula sa FedEx, magsumite ng support ticket sa Starlink (at ilakip ang claim number mo sa FedEx) na nagsasaad na hindi mo pa natanggap ang order mo kahit pa sinasabi sa tracking number mo na na-deliver na ito.
Pakitandaan, posibleng ipadala sa magkakahiwalay na shipment ang ilang partikular na order na magkakasamang inorder. Halimbawa, ipapadala ang mount ng Ridgeline Mount Kit nang hiwalay sa mga ballast nito. Paki-review ang account mo para sa alternatibong tracking number para sa iba mo pang order.
Kung hindi malulutas ng ibinigay na impormasyon ang isyu mo, paki-click ang "Makipag-ugnayan sa Support" para magsumite ng support ticket
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.