Parehong nagbibigay ang Standard Kit at Standard Actuated Kit ng tuloy-tuloy na high-speed internet na maaasahan mo sa Starlink. Compatible ang mga Standard hardware version na ito sa parehong service plan at installation use case. Parehong idinisento ang mga ito para i-mount bilang Residential Starlink o Business Starlink mo, o puwedeng iligpit at dahin saan ka man pumunta bilang isang Roam Starlink.
Starlink Standard | Starlink Standard Actuated |
---|---|
![]() |
![]() |
Gabay sa Pag-set up | Gabay sa Pag-set up |
Nakalista sa ibaba ang mga pagkakaiba.
Proseso sa Unang Pag-set up:
Mga electronic phased array antenna ang parehong Starlink, kaya puwede nitong sundan ang signal mula sa mga satellite na nasa kalawakan nang hindi nangangailangang pisikal na gumalaw. Kapag maaayos na na-set up ang Starlink nang walang nakaharang at may maayos na alignment, hindi mo ito kailangang i-adjust ulit sa hinaharap. Sine-set up muna ng user ang Standard Kit na manual na ina-adjust ang Starlink sa tulong ng Alignment Tool sa Starlink App. Gumagamit ng isang built-in motor para sa motorized na self-orientation sa unang pag-set up ng Standard Actuated Kit.
Kasamang Equipment:
Starlink - Bahagyang mas malaki ang surface area ng Standard kaysa sa Standard Actuated, at mas makapal ang profile ng Standard Actuated dahil sa mga built-in motor at mast nito.
Router - May kasama nang Gen 3 WiFi Router ang Standard Kit, samantalang Gen 2 WiFi Router naman ang kasama sa Standard Actuated Kit. Puwede mong paghambingin ang mga detalye ng bawat router dito.
Mount - Parehong may kasamang pansamantalang mounting base para sa mabilisang pag-set up o portable na paggamit, o puwedeng i-drill sa isang flat surface para sa permanenteng pag-install. May mga karagdagang compatible mount ang bawat isa na mabibili sa Starlink shop. May kasamang built-in kickstand ang Standard, na puwedeng i-flip out para sa mabilisang deployment, tiklupin para itago, o i-drill sa isang flat surface. May nakakabit namang mast na nakakonekta sa isang base na hugis x ang Standard Actuated.
Mga Cable - Parehong may kasamang Starlink cable na may habang 50 ft, na may mga opsyon para sa mas mahabang cable sa shop, na partikular sa bawat kit.
Power Supply - Isang hiwalay na item ang power supply ng Standard, samantalang naka-integrate sa router ang power supply ng Standard Actuated.
Tingnan pa ang mga pagkakaiba ng mga kit, tingnan ang mga detalye rito.
Para sa mga update tungkol sa availability ng Standard Kit sa inyong lugar, magbasa pa rito.
Mga Kaugnay na Paksa
Starlink Standard - Gabay sa Pag-set up
Starlink Standard Actuated - Gabay sa Pag-set up
Puwede ko bang gamitin ang Starlink habang nasa biyahe?
Gaano kahabang cable ang mayroon ako at paano ko ito iruruta sa indoor?
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.