

Makibahagi sa mga aktibidad na dating hindi posible gamit ang satellite internet. Pinapagana ng pinakamalaking constellation sa mundo na may mahigit 8,000 highly advanced satellite na pinapatakbo sa low orbit paikot sa Earth.

Idinisenyo para makayanan ang mga element—kaya ng mga Starlink Kit na tumunaw ng snow at makayanan ang sleet, malakas na ulan, at malalakas na hangin. Nagbibigay ang Starlink ng high-speed at low-latency internet na may >99.9% average uptime, at maaasahang connectivity sa iba't ibang panig ng mundo. Alamin pa rito.
“Nakatira kami sa kabundukan ng New Mexico. Snow sa taglamig at amihan at habagat sa tag-araw. Hindi pa kami nagkakaproblema sa Starlink.”
“Nakatira ako sa isang malayong lugar at hindi gumagana nang maayos ang lokal na internet service. Napakaganda ng Starlink, hindi kami nagkakaproblema kapag masama ang lagay ng panahon na gaya noong sa dati naming serbisyo. 100% akong nasisiyahan sa paglipat namin sa Starlink!”
"Ilang taon kaming nagtiis sa mabagal na internet. Kung umulan ng snow, kailangan naming walisin ang dish. O hintaying lumipas ang bagyo bago bumalik ang internet namin. Gamit ang Starlink at heater sa dish, hindi na kami nawawalan ng internet kapag taglamig."

I-set up ang Starlink sa dalawang hakbang lang. Gumagana ang mga instruction sa anumang pagkakasunod-sunod:
1 I-PLUG
2 ITURO SA KALANGITAN
Kailangan ng Starlink ng hindi nahaharangang view ng kalangitan. I-download ang Starlink app sa iOS o Android para matukoy ang pinakamagandang lokasyon para mag-install. Alamin pa ang tungkol sa pag-install ng Starlink dito.
Para sa mga kakaibang isyu sa pag-install, humanap ng installer na angkop sa iyo. May mga available na installer sa mga piling lugar na nakakumpleto ng pagsasanay sa pag-install ng Starlink para tumulong sa pag-set up at pag-activate ng Starlink mo. Alamin pa rito.

Darating ang Starlink Kit na kasama ang lahat ng kailangan mo para makapag-online sa loob lang ng ilang minuto.






Sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-sign Up, sumasang-ayon ka sa aming Patakaran sa Privacy