

Makibahagi sa mga aktibidad na dating hindi posible gamit ang satellite internet. Pinapagana ng pinakamalaking constellation sa mundo na may mahigit 7,800 highly advanced satellite na pinapatakbo sa low orbit paikot sa Earth.

Idinisenyo para makayanan ang mga element—kaya ng mga Starlink Kit na tumunaw ng snow at makayanan ang sleet, malakas na ulan, at malalakas na hangin. Nagbibigay ang Starlink ng high-speed at low-latency internet na may 99.9% average uptime, at maaasahang connectivity sa iba't ibang panig ng mundo.
“Talagang binago ng Starlink ang buhay ko. Nakaramdam ako ng seguridad at kaligtasan dahil sa Starlink. Panatag ako dahil alam kong mananatili akong nakakonekta kapag may mga emergency o kung masama ang lagay ng panahon. Pinayagan ako nitong suportahan at makipagtulungan sa aking komunidad, kahit na nasa malayo ako.”
“Binibigyan kami ng Starlink ng maaasahang serbisyo. Gumagana pa rin ito nang maayos kahit may mga bagyo sa disyerto, hail storm, at ulan!”
“Nakatira kami sa kabundukan ng New Mexico. Snow sa taglamig at amihan at habagat sa tag-araw. Hindi pa kami nagkakaproblema sa Starlink.”

Makakatanggap ka ng komplimentaryong pag-install kapag bumili ka ng Standard Kit, na madaling iiskedyul kung kailan mo gusto. Bilang kahalili, kung gusto mo, puwede mo itong i-install nang mag-isa.
"Napakahusay at napakabait ng installer. Naglaan siya ng dagdag na panahon para siguraduhing naiintindihan namin ang lahat. Tinatrato niya kami na parang kapamilya at ang bahay namin na parang sa kanya."
“Napakahusay ng taong dumating at tinuruan niya rin kami. Madali ang pag-iskedyul at napakabait at napakapropesyonal ng taong sumasagot sa telepono. Inirerekomenda ko ang installer na ito nang walang pag-aalinlangan.”
“Napakagaling ng installer namin! Iginagalang niya ang aming property. Talagang may malasakit sa paggawa ng maayos na trabaho.”
Sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-sign Up, sumasang-ayon ka sa aming Patakaran sa Privacy