Personal
Business
ResidentialRoam
Mag-sign InHelp CenterAvailability MapMga DetalyeMga Service PlanMga Gabay na VideoTechnologyMga UpdateCustomer Stories

MAAASAHAN AT MATATAG

Malakas na connectivity sa matitinding kondisyon ng panahon, pagkaantala sa network, at kalamidad

CONNECTIVITY SA PANAHON NA PINAKAKAILANGAN MO ITO

Gamit ang pinaka-advanced na satellite constellation sa mundo, naghahatid ang Starlink ng high-speed at low-latency internet na may >99.9% average uptime, na nagbibigay ng maaasahang connectivity sa iba't ibang panig ng mundo.


Ilagay ang Address Mo para Magsimula >

Idinisenyo para maging matatag sa anumang lagay ng panahon

Idinisenyo ang Starlink para makayanan ang mga element—kaya nitong tumunaw ng snow at tagalan ang pag-ulan ng snow, malakas na ulan, at malalakas na hangin. Nagbibigay ng connectivity ang pinakabagong generation ng mga Starlink Kit sa panahon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan, na madaling nakakayanan ang hangin na hanggang 160+ kph (99+ mph), at kaya nitong matagalan ang mga temperatura mula -40°C (-40°F) hanggang 43°C (110°F).

Umorder Na ng Starlink for Residential >

WALANG PAGKAANTALA

"Nakaranas na rin kami ng panahon ng bagyo nang walang pagkaantala sa serbisyo. Irerekomenda namin ang Starlink sa lahat."

- Bertie A., Maringouin, USA
NAKA-ONLINE KAHIT MAY MGA BAGYO

“Noong nakaraang taon nang dumaan ang Hurricane Helene, walang kuryente sa loob ng maraming linggo. Maraming tao ang hindi makakonekta sa kanilang mga mahal sa buhay. Gamit ang Starlink, nakapag-online kami at nakakonekta sa mga tao sa aming mga telepono. Naging lifeline namin ang Starlink!! Salamat!”

- Christi W., Marion, USA
MATATAG KAHIT MAY MGA THUNDERSTORM

“Mayroon pa rin akong internet kahit na may matinding thunderstorm. Sasabihin ko sa lahat ng kakilala ko sa lugar na ito! Pambihira ang speed. Hindi ko alam bakit wala pang Starlink ang iba!!!”

- Barbara S., Waldo, Florida

ADAPTIVE AT MAAASAHANG COVERAGE

Binuo ang Starlink para maghatid ng maaasahang high-speed internet, kahit na nahaharangan ang view ng kalangitan ng customer. Pansamantalang mahaharangan ng mga puno, gusali, at iba pang hadlang ang koneksyon sa isang partikular na satellite, pero idinisenyo ang system sa paraang hindi ito mahahalata ng user sa pangkalahatan.

May daan-daang satellite na makikita sa US, na nagbibigay ng iba't ibang pathway para magruta ng traffic gamit ang satellite na may stable at hindi nahaharangang koneksyon. Awtomatikong lumilipat ang mga terminal ng Starlink sa mga satellite nang real time para matugunan ang anumang isyu sa performance—pro-active itong ginagawa, para sa mga naka-fix na installation, at nang reactive sa mga mobile terminal at hindi inaasahang isyu.

Magbasa Pa

KAHANDAAN at Pagtugon sa Emergency

Sa harap ng mga kalamidad, nag-aalok ang satellite network ng Starlink ng maaasahang paraan para manatiling online—kahit na nasira o hindi available ang tradisyonal na imprastruktura.

Kailangan ng mabilis at maaasahang komunikasyon kapag may mga sakuna at emergency. Kapag may baha, lindol, bagyo, at iba pang sakuna, madalas nawawalan ng koneksyon ang mga komunidad, lalo na kapag pinakakailangan nila ito. Nade-deploy ang Starlink sa loob lang ng ilang minuto para makapagbigay ng high-speed at low-latency internet, kahit na sa mga pinakaliblib at pinakanaapektuhang lugar. Basahin pa rito.

SUPORTA SA KOMUNIDAD

"Nagpapatakbo kami ng kompanya na nagbibigay ng tulong kaugnay ng sakuna. Starlink ang ginagamit namin para makipagkomunikasyon kapag may mga sakuna. Noong nakaraang taon nang tumama si Helene sa Vidallia, GA, kami lang ang may komunikasyon sa labas nang halos 24 na oras. Tinulungan namin ang mga lokal na awtoridad sa pamamagitan ng pagpapaabot ng kanilang mensahe sa iba pang ahensya. Talagang isang blessing ang Starlink sa aming ginagawa, at pinapayagan kami nitong tulungan ang mas marami pang tao kaysa dati."

- Bruce T., USA
SEARCH AT RESCUE

Nakatira ako sa Northern Ontario nang sumiklab ang wildfire noong unang bahagi ng May. Kaka-set up ko lang ng Starlink ko at kinabukasan ay sinabihan ako na mag-e-evacuate kami. Kung wala akong internet access, kabilang sana ako sa mga huling grupo na na-evacuate. Nagpapasalamat ako na may Starlink ako at nakapag-set up nito nang walang aberya.”

- Michael S., Wabaseemoong, Canada
MAAASAHANG BACKUP

“Mula nang tumama ang kalamidad sa state ng Rio Grande do Sul noong 2024, sinimulan kong gamitin ang connectivity ng Starlink bilang maaasahang alternatibo para magkaroon ng internet access. Naging strategic tool ang Starlink na nakapaghatid ng magagandang resulta.”

- Erick Nunes, Brazil

KUWENTO NG CUSTOMER

“Nakatira ako sa isang malayong kabundukan sa Colombia, na tinatayang isang oras ang layo mula sa Bogotá. Nagtatrabaho ako buong araw online bilang English teacher at nakikipag-video chat sa mga tao sa iba't ibang panig ng mundo. Bukod pa rito, nagtatrabaho ang asawa ko online buong araw bilang Spanish teacher. Kailangan namin ng maaasahang internet service na matatag laban sa matitinding heograpiya at lagay ng panahon na mayroon kami sa liblib at malayong lugar na ito.

Ganap, hindi maikakaila, at lubos na maaasahan ang Starlink sa pinakamatitinding kondisyon ng panahon—ilang buwan na pag-ulan, hindi makita ang kalangitan na laging natatakpan ng mga ulap, at mabagyong kondisyon.

Nakakakuha kami ng 200 Mbps sa pag-download at 20 Mbps sa pag-upload. Pareho kaming nakakapagtrabaho buong araw nang walang interruption, walang outage, at mas maganda pa ito kaysa noong nasa Bogotá kami na gumagamit ng high-speed internet mula sa cable company. Talagang isa itong pambihirang serbisyo.

— Ryan C. sa La Calera, Colombia

Ilagay ang Address Mo para Magsimula >

UMORDER NA
Subukan ang Starlink sa loob ng 30 araw
UMORDER NA
Makatanggap ng Mga Email Update ng Starlink
Mag-sign up sa ibaba

Sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-sign Up, sumasang-ayon ka sa aming Patakaran sa Privacy

Mga TrabahoMga Operator ng SatelliteAwtorisadong ResellerPagkapribado at Legal
Starlink © 2025
Ang Starlink ay isang dibisyon ng SpaceX. Puntahan kami sa spacex.com
Interesadong manatiling updated sa Starlink?
Sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-sign Up, sumasang-ayon ka sa aming Patakaran sa Privacy