

Gumagana ang Direct to Cell sa bawat LTE phone saan ka man makakakita ng kalangitan, na nagbibigay-daan sa off-the-grid connectivity sa kalupaan, mga lawa, o katubigan malapit sa dalampasigan. Walang kailangang gawing pagbabago sa existing hardware, firmware, o mga espesyal na app. Nagbibigay ang mga Direct to Cell satellite ng Starlink ng connectivity na nakakapagligtas ng buhay kapag pinakakailangan ito ng mga tao. - Sa New Zealand, nagawa ng isang babaeng nakasaksi ng isang car crash sa isang cellular dead spot na i-text sa kanyang partner ang lokasyon ng aksidente gamit ang Direct to Cell connection ng Starlink, kaya nakarating sa lugar ang mga first responder sa loob lang ng ilang minuto pagkatapos ipadala ang text. - Pagkatapos ng mga bagyo, matinding pagbaha, at wildfire sa United States, nakapagpadala at nakatanggap ng milyon-milyong SMS message at daan-daang Wireless Emergency Alert ang mahigit sa 1.5 milyong katao, na hindi basta mangyayari sa karaniwang koneksyon.

May onboard na eNodeB modem ang mga satellite ng Starlink na may Direct to Cell capability na gumaganap na parang cellphone tower sa space, ang mga pinaka-advanced na phased array antenna sa mundo na tuloy-tuloy na kumokonekta gamit ang mga laser sa anumang bahagi ng mundo, na pinapayagan ang network integration na katulad ng sa isang standard roaming partner.

Mahigit sa 50 porsyento ng kalupaan sa mundo ang nananatiling hindi saklaw ng mga terrestrial service. Habang pinapahusay ng Starlink ang next-generation Direct to Cell constellation nito, nakatuon ito sa pakikipagtulungan sa mga mobile network operator sa iba't ibang panig ng mundo para maghatid ng tuloy-tuloy na coverage sa maraming customer hangga't maaari, na nagbibigay ng kapanatagan ng isip kapag pinakakailangan ito ng mga customer.

Pinapakinabangan nang husto ng SpaceX ang karanasan nito sa manufacturing at paglulunsad ng pinaka-advance na mga rocket at spacecraft sa mundo para i-deploy ang mga satellite ng Starlink na may kakayahang Direct to Cell at scale. Unang inilunsad ang mga Direct to Cell satellite ng Falcon 9 rocket ng SpaceX, at ide-deploy ng Starship ang mga next-generation satellite. Agad na kokonekta ang mga satellite sa orbit sa pamamagitan ng laser backhaul sa Starlink constellation para magbigay ng connectivity sa iba't ibang panig ng mundo.

Bukod pa sa pagpapaawak ng mobile coverage, papayagan ng Direct to Cell ang pagkakaroon ng Internet of Things (IoT) conectivity kahit saan, kahit pa sa labas ng coverage sa kalupaan, na ikinokonekta ang milyon-milyong device sa mahahalagang pandaigdigang industriya. • Walang kailangang naka-specialize o dagdag na hardware • Compatible sa off-the-shelf CAT-1, CAT-1 Bis, at CAT-4 modem* • Available ang mga plan sa tulong ng aming mga global partner sa mga naaprubahang bansa simula sa 2025 *3GPP compliant release 10 or mas bago, kailangang sinusuportahan ng modem ang mga existing band of operation sa mga inilaang bansa kung saan magbibigay ng serbisyo

May access ang mga cellular provider na gumagamit ng Direct to Cell sa reciprocal global access sa lahat ng ka-partner na bansa.
T-MOBILE (USA) >
OPTUS (AUSTRALIA) >
TELSTRA (AUSTRALIA) >
ROGERS (CANADA) >
ONE NZ (NEW ZEALAND) >
KDDI (JAPAN) >
SALT (SWITZERLAND) >
ENTEL (CHILE) >
ENTEL (PERU) >
KYIVSTAR (UKRAINE) >
...Pati na rin ang ilan pang partnership na malapit nang dumating.