Personal
Business
ResidentialRoam
Mag-sign InHelp CenterAvailability MapMga DetalyeMga Service PlanMga Gabay na VideoTechnologyMga UpdateCustomer Stories
Nagbibigay ang Casey's ng de-kalidad na serbisyo sa 450 lokasyon gamit ang Starlink
Makipag-ugnayan sa Amin
Gabay para sa Mamimili
Starlink for Business
Makipag-ugnayan sa AminGabay para sa Mamimili
Lahat ng Case Study

SITWASYON


May history ng tuloy-tuloy na tagumpay sa negosyo simula noong 1968, isa ang Casey's sa pinakamalalaking convenience store chain sa United States. Pinapatakbo ng Casey's ang mahigit kalahati sa mga tindahan nito sa mga bayan na may hindi hihigit sa 5,000 tao at madalas na ipinapakilala ang retail technology na bago sa mga lugar na ito.

Itinuturing na oportunidad ang access sa maaasahang internet, dahil sa rural footprint ng kompanya. Mahalaga sa Starlink ang pagbibigay ng internet service na nakakatugon sa matataas na pamantayan ng Casey's sa halos lahat ng lokasyon na ito na may kakulangan sa broadband.

CHALLENGE


Tulad ng marami pang negosyong pinapatakbo sa mga liblib na lokasyon, nakaranas ang Casey's ng mga problema sa mga existing na solusyon para sa internet connectivity bago siya gumamit ng Starlink.

“Para sa mga tindahang nasa mga lugar na hindi nakakatanggap ng magandang serbisyo, puwedeng maging problema ang network bandwidth at realiability para magkaroon ng walang aberyang pagpapatakbo ng tindahan. Nag-aalala rin kami sa mga site na ito habang patuloy kaming gumagamit ng teknolohiya para mapaganda pa ang karanasan ng aming mga bisita at tulungan ang mga miyembro ng aming team sa pamamagitan ng pagpapadali ng pagpapatakbo ng tindahan. Maaasahan ang Starlink sa pagbibigay ng bandwidth, latency, at loss characteristics na higit pa sa aming mga minimum na pamantayan at pinapaganda pa ang serbisyo sa bisita at mga pagpapatakbo ng tindahan. Nagkaroon pa nga kami ng walang aberyang karanasan sa pagpapatakbo ng aming mga serbisyo sa telepono ng VoIP sa Starlink.”

EPEKTO


Gamit ang Starlink, nakaranas ang Casey's ng mas mahusay na latency performance, bandwidth, uptime, at coverage:

“Kapag nagtatayo ng bagong tindahan, palaging nagiging malaking problema at isyu sa logistics ang pagkakaroon ng terrestial broadband. Dose-dosenang kinatawan mula sa iba't ibang entity ang kailangang umayon sa availability ng serbisyo, kung paano at saan ito eksaktong ide-deliver, mag-iskedyul ng mga pagbisita sa site at construction activity at subukang panatilihing nasa iskedyul ang lahat ng ito. Bukod pa rito, karaniwang nasa five figures ang gastos sa mga construction mula sa mga broadband company. Inaalis ng Starlink ang lahat ng problemang ito. Ngayon, hindi na namin kailangang magdesisyon kaugnay ng pagbubukas ng tindahan sa isang lugar kung saan hindi maaasahan ang cellular backup habang ilang linggo kaming naghihintay na magkaroon ng terrestrial ISP circuit. Samantala, karaniwang tumatagal lang nang 60–90 minuto ang pag-install ng Starlink kasama ang pagruruta ng cable sa buong gusali. Isa itong malaking pagkakaiba.”
  • Pinaganda pang karanasan ng bisita sa serbisyo
  • Maaasahang terrestrial broadband
  • Mga serbisyo sa telepono ng Voice over Internet Protocol
  • Pinahusay pang latency rate at throughput rate
chevron_left
chevron_right
Makipag-ugnayan sa aming team
Alamin kung paano magagamit ang Starlink para pabilisin ang mga operasyon ng negosyo mo.
Makipag-ugnayan sa amin
Mga TrabahoMga Operator ng SatelliteAwtorisadong ResellerPagkapribado at Legal
Starlink © 2025
Ang Starlink ay isang dibisyon ng SpaceX. Puntahan kami sa spacex.com
Interesadong manatiling updated sa Starlink?
Sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-sign Up, sumasang-ayon ka sa aming Patakaran sa Privacy