Personal
Business
ResidentialRoam
Mag-sign InHelp CenterAvailability MapMga DetalyeMga Service PlanMga Gabay na VideoTechnologyMga UpdateCustomer Stories
Kinokonekta ng Starlink ang mga mag-aaral sa mga liblib na lugar sa iba't ibang panig ng mundo
Makipag-ugnayan sa Amin
Gabay para sa Mamimili
Starlink for Business
Makipag-ugnayan sa AminGabay para sa Mamimili
Lahat ng Case Study

SITWASYON


Naging mahalaga sa edukasyon ang access sa internet, pero madalas na may limitadong connectivity ang mga mag-aaral at guro na nasa mga liblib na lugar. Naghatid ang Starlink ng high-speed connectivity sa libo-libong mag-aaral, na nagbubukas ng isang mundo ng posibilidad sa mga mag-aaral sa mga komunidad na ito.

PAGKONEKTA SA MGA SILID-ARALAN


Sa Ojo Encino Pre-School sa Navajo Nation sa New Mexico, pinapayagan ng Starlink ang mga guro na ma-access ang mga learning material, magsagawa ng mga virtual lesson sa mga mag-aaral na nasa bahay, at magbigay sa mga mag-aaral ng mga online learning tool sa silid-aralan. Bagama't nahirapan dati ang mga guro na mag-stream ng mga virtual lesson sa isang computer sa paaralan, nagagawa na nila ngayong kumonekta sa iba't ibang device nang sabay-sabay para mag-stream, mag-upload, at mag-download ng mga file, at gamitin ang kanilang mga learning portal sa tulong ng Starlink.

Sa liblib na komunidad ng Mist, Oregon, tinulungan ng Starlink ang mga mag-aaral sa Mist Grade School na ma-access ang mahahalagang online educational tool. Naa-access na ngayon ng mga guro sa Mist ang mga tool sa edukasyon na hindi gagana sa mabagal at hindi maaasahang koneksyon na dati nilang ginagamit. Bagama't sinikap ng Vernonia School District na magkaroon ng mas mabibilis na koneksyon, hindi ito naging posible dahil sa malaking gastos sa paglalagay ng milya-milyang cable sa mga liblib na kalsada para magkaroon ng konekyon. Dahil naging available na ang high-speed at low-latency internet sa liblib na lugar na ito, binago ng Starlink ang karanasan sa pag-aaral sa Mist:

Sinabi ni Aaron Miller, na Superintendent ng Vernonia School District, na: ““Dating mabagal at hindi mabisa ang connectivity ng kahit 2–3 computer station sa paaralang ito. At ngayon, mayroon na kaming high speed internet kung saan nakakaranas ng tuloy-tuloy at mabisang internet connectivity ang lahat ng 36 naming mag-aaral. Isa itong event na binago ang karanasan sa klase ng aming mga guro at mag-aaral.”

PAGKONEKTA NG MGA MAG-AARAL SA BAHAY


Mahalaga ang internet access sa silid-aralan, pero kailangan din ng mga mag-aaral ng connectivity sa kanilang mga tahanan para gumawa ng research, tapusin ang mga assignment, at dumalo sa mga online class—pero two-thirds ng mga mag-aaral at kabataan ang walang internet access sa bahay. Dahil dito, sa sandaling napatunayan ng Starlink ang tagumpay nito sa silid-aralan sa Ojo Encino Pre-School, nagpasya ang Cuba Independent School district na bumili ng Starlink connectivity para sa mahigit 300 tahanan ng mag-aaral. Makikita ang karamihan sa mga tahanang ito sa Navajo Nation Reservation, kung saan walang cellular service. Inihayag sa feedback ng mga guro at mag-aaral ang epekto ng Starlink sa komunidad ng Ojo Encino:

“Iniulat ng mga mag-aaral na nakatanggap ng serbisyo na nakakalahok na sila sa kabuuan ng [virtual] class mula sa kanilang bahay, nang walang pagkaantala, at nakakaranas na sila ng mas mabilis na internet na hindi pa nila naranasan noon sa bahay. Bukod pa rito, maraming bahay ang tirahan ng maraming mag-aaral na nangangailangang maging online nang sabay-sabay, na imposible dati bago pa nagkaroon ng Starlink.”

Ginamit din ng Cherokee Nation ang Starlink para ikonekta ang mga miyembro ng tribo sa liblib na lugar ng Oklahoma. Binigyang-diin ng Cherokee Nation Chief na si Chuck Hoskin, Jr. ang mahalagang role ng connectivity sa pangangasiwa ng edukasyon at paghahanda ng mga komunidad para magtagumpay:

“Bawat bata, bawat Cherokee na lumalaki, saan man sila lumaki, ay hindi dapat makaranas ng disadvantage pagdating sa mga bagay na mahalaga ngayon gaya ng pagiging online at pagkakaroon ng edukasyon, pagkakatoon ng trabaho.”
br/Dahil sa pagkakaroon nito ng madaling access at kakayahang i-install nang mag-isa, kahit pa sa mga pinakaliblib o pinakamalayong lugar, nagbibigay ang Starlink ng magandang connectivity solution sa mga paaralan na walang tradisyonal na serbisyo ng internet. Nakakatulong ang access sa high-speed at low-latency internet ng Starlink na alisin ang opportunity gap na nararanasan ng mga mag-aaral sa mga liblib na komunidad na ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilang ng kakayahan na gamitin ang mga tool at impormasyon na kailangan nila para magtagumpay.
Makipag-ugnayan sa aming team
Alamin kung paano magagamit ang Starlink para pabilisin ang mga operasyon ng negosyo mo.
Makipag-ugnayan sa amin
Mga TrabahoMga Operator ng SatelliteAwtorisadong ResellerPagkapribado at Legal
Starlink © 2025
Ang Starlink ay isang dibisyon ng SpaceX. Puntahan kami sa spacex.com
Interesadong manatiling updated sa Starlink?
Sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-sign Up, sumasang-ayon ka sa aming Patakaran sa Privacy