Personal
Business
ResidentialRoam
Mag-sign InHelp CenterAvailability MapMga DetalyeMga Service PlanMga Gabay na VideoTechnologyMga UpdateCustomer Stories

SATELLITE TECHNOLOGY

Starlink ang pinaka-advanced na satellite constellation sa mundo na gumagamit ng low Earth orbit para maghatid ng broadband internet na may kakayahang suportahan ang streaming, online gaming, mga video call, at marami pang iba.

REGULAR NA ACCESS SA KALAWAKAN

Bilang nangungunang provider ng mga launch service sa mundo, SpaceX ang tanging satellite operator na may kakayahang maglunsad ng sarili nitong mga satellite kung kinakailangan. Sa mas madalas at murang pag-launch, tuloy-tuloy na ina-update ang mga satellite ng Starlink sa pinakabagong teknolohiya.

ENGINEERED NG SPACEX

Ginagamit ang malawak na karanasan ng Starlink sa spacecraft at mga on-orbit operation, ginagawa at pinapatakbo ang mga advanced satellite ng Starlink sa Redmond, Washington. Mina-manufacture naman ang mga Starlink Kit para sa mga customer sa Bastrop, Texas, para maghatid ng high-speed at low-latency internet sa iba't ibang panig ng mundo.

Mas Magaan, Mas Compact
Bawat satellite ay may compact at flat-panel design na mini-minimize ang volume, kaya nagkakaroon ng masinsing launch stack para ganap na samantalahin ang mga kakayahan sa pag-launch ng Falcon 9 rocket ng SpaceX.
Mga Optical Space Laser
May 3 space laser (Optical Intersatellite Links o ISLs) ang bawat Starlink satellite, na pinapatakbo nang hanggang 200 Gbps, na kapag magkakasama sa constellation ay bumubuo ng global internet mesh na kayang ikonekta ang mga customer sa iba't ibang panig ng mundo.
Mga Antenna
Gumagamit ang bawat Starlink satellite ng 5 advanced Ku-band phased array antenna at 3 dual-band (Ka-band at E-Band) antenna para magbigay ng high-bandwidth connectivity sa mga customer ng Starlink.
Mga Ion Propulsion System
Dahil sa mabibisang argon thrusters, nagagawa ng mga Starlink satellite na mag-orbit raise, mag-maneuver sa space, at mag-deorbit pagkatapos ng useful life ng mga ito. Starlink ang kauna-unahang argon propelled spacecraft na inilunsad sa space.
Power System
May dual solar array at high capacity battery ang mga Starlink satellite para makapag-supply ng power para sa mga payload. Aero-neutral din ang dalawang solar array kaya nagagawa ng mga ito ang mas mabibilis na on-orbit maneuver.
Star Tracker
Sinusuri ng mga custom-built navigation sensor ng Starlink ang mga bituin para matukoy ang lokasyon, altitude, at orientation ng bawat satellite, na nag-e-enable ng tumpak na placement ng broadband throughput.
Mga Reaction Wheel
Apat na reaction wheel ang nagbibigay ng agile attitude control sa sasakyan. Tinitiyak ng hot-spare configuration ang high reliability operation at ganap na demisable ang aluminum flywheel nito sa end-of-life nito.
chevron_left
chevron_right

Ang Proseso ng Starlink

Nagmumula ang karamihan sa mga serbisyo sa internet ng satellite sa mga single geostationary satellite na umiikot sa Earth mula sa layong 35,786 km. Bilang resulta, mataas ang round trip data time sa pagitan ng user at satellite—kilala rin bilang latency, na ginagawang halos imposibleng suportahan ang streaming, online gaming, mga video call o iba pang aktibidad na mataas ang data rate.

Ang Starlink ay constellation ng libo-libong satellite na umiikot sa planeta nang mas malapit sa Earth, sa layong tinatayang 550km, at sumasaklaw sa iba't ibang panig ng mundo. Dahil nasa low orbit ang mga satellite ng Starlink, talagang mas mababa rin ang latency nito—tinatayang 25 ms kumpara sa 600+ ms.

SPACE SUSTAINABILITY

Para sa impormasyon tungkol sa pag-enable ng mabisa at bukas na conjunction coordination, pumunta sa page ng aming satellite operator

Para i-download ang mga pinakabagong satellite ephemerides ng Starlink, o para magsumite ng ephemeris para sa sarili mong satellite para sa mabilis na conjunction screening, sumangguni sa conjunction screening system documentation.

STARLINK SATELLITE DEMISABILITY

Pinapatakbo ng Starlink ang pinakamalaking satellite constellation sa mundo, na may mahigit 6,750 satellite na kasalukuyang nasa orbit, na naghahatid ng serbisyo sa milyon-milyong active customer sa iba't ibang panig ng mundo gamit ang high-speed at low-latency internet. Bilang operator ng pinakamalaking satellite constellation sa mundo, talagang nakatuon kami sa kaligtasan sa kalawakan. Nagpapatakbo ang Starlink gamit ang mga pinaka-conservative na maneuver threshold sa industriya, pampublikong ipinabahagi ang mga high-precision ephemeride nito, at nagpakilala ng space safety service para sa madaling coordination sa iba pang satellite operator at maglunsad ng mga service provider.

PAGPAPANATILI NG KALANGITAN SA GABI

Mahalaga ang space exploration sa core mission ng SpaceX. Kung gayon, nagsagawa ang SpaceX ng mga walang katulad na hakbang para makipagtulungan sa astronomy community para lalong maunawaan kung paano imi-mitigate ng SpaceX—at lahat ng operator ng satellite—ang posibleng epekto ng pag-reflect ng mga satellite sa sinag ng Araw sa mga astronomical observation.

Bilang resulta ng malalim at collaborative work na ito, nagpatupad ang SpaceX ng mga makabagong teknolohikal na solusyon at technique para i-minimize ang epekto ng mga satellite nito sa kalangitan sa gabi. Katunayan, SpaceX ang may pinakamalaking investment kaysa sa anupamang may-ari/operator ng satellite para bumuo at mag-deploy ng ganoong mga teknolohiya at technique.

Mga TrabahoMga Operator ng SatelliteAwtorisadong ResellerPagkapribado at Legal
Starlink © 2025
Ang Starlink ay isang dibisyon ng SpaceX. Puntahan kami sa spacex.com
Interesadong manatiling updated sa Starlink?
Sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-sign Up, sumasang-ayon ka sa aming Patakaran sa Privacy